Press "Enter" to skip to content

TESDA-Iloilo, Namahagi Ng Scholarship Sa Mga Piling Residente Mula Sa Bayan Ng Tubungan

Noong ika-11 ng Agosto, ang TESDA sa lalawigan ng Iloilo ay namahagi ng mga pagsasanay at scholarship para sa 50 na piling residente mula sa Barangay Boloc sa Bayan ng Tubungan. Ang 50 na benepisyaryo ay maaaring magkaroon ng isa mula sa dalawang klase ng pagsasanay.

Ang scholarship

Ang paggawad ng scholarship sa 50 na mga benepisyaryo mula sa Barangay Boloc ay naganap noong Agosto 11, ito ay ginawa sa covered gym ng bayan na pinangunahan ng TESDA-Iloilo. Ang TESDA-Iloilo ay ang nagungunang ahensya ng Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster o PRLEC.

TESDA-Iloilo, Namahagi Ng Scholarship Sa Mga Piling Residente Mula Sa Bayan Ng Tubungan 2
Photo Credit: Business World

Mula sa 50 na mga magagawaran ng scholarship, 25 nito ang mabibigyan ng libreng pagsasanay sa organic agriculture production, habang ang natirang 25 ay may libreng pagsasanay naman sa grain production.

Karamihan sa mga residente ng Boloc ay nais ang pagtatanim ng gulay. Ang mga nasabing pagsasanay ay nasa ilalim ng TESDA Training for Work Scholarship Program. Ito ay magsisimula sa nalalapit na panahon at gagawin sa Regional Training Center ng Iloilo, sa New Lucena Polytechnic College, at sa lahat ng TESDA training institutions.

Ang Barangay Boloc

Dahil sa COVID-19 na nararanasan ng bansa, isa ang Barangay ng Boloc sa humarap ng ilang mga pagsubok at paghihirap, at ito ang dahilan kung bakit nais tumulong ng TESDA-Iloilo. Ayon kay Agnes Dimzon, ang Focal Person ng TESDA-Iloilo PRLEC, ang TESDA at ibang miyembro ng PRLEC ay handang magbigay ng serbisyo sa mga ngangailangan.

TESDA-Iloilo, Namahagi Ng Scholarship Sa Mga Piling Residente Mula Sa Bayan Ng Tubungan 3
Photo Credit: Wikipedia

Isa na rito ang Barangay Boloc, nais nilang matulungan ang mga residente na magkaroon ng pag-aasikasuhan kahit may community quarantine. Nais din nilang magbigyan ang mga ito ng pangkabuhayan at trabaho, kasabay na rin ang pagkakaroon ng kapayapaan sa lugar.

Iba pang pagsasanay

Maliban sa agrikultura, magkakaroon din ng pagsasanay na konektado sa pagkokonstruksyon sa susunod na taon, tulad ng pagmamason, karpintero, at welding. Ayon kay Agnes Dimzon, may mga nagnanais na rin na magkaroon ng pagsasanay sa barangay ng Maasin at Calinog, at kanila na itong inaasikaso.

TESDA-Iloilo, Namahagi Ng Scholarship Sa Mga Piling Residente Mula Sa Bayan Ng Tubungan 4
Photo Credit: Business World

Tulad ng Barangay Boloc, ang Maasin at Calinog ay kabilang din sa mga lugar na natukoy ng DILG sa ilalim ng Retooled Community Support Program na apektado ng rebolusyon.

Source: Philippine Information Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: