Press "Enter" to skip to content

Through Night And Day – Bakit Nga Ba Trending?

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon ang pelikula matapos makaani ng iba’t-ibang reaksiyon mula sa mga fans at manonood. Ang pelikulang ito ay nagbigay ng tuwa, kilig, lungkot, at mga magagandang tanawin.

Akting

Marami ang natuwa at namangha sa pagtatanghal nina Paolo Contis bilang Ben at Alessandra de Rossi bilang Jen. Naipamalas umano nilang ang kanilang angking talento sa larangan ng akting at labis na madaming manonood ang kanilang napahanga.

Through Night And Day - Bakit Nga Ba Trending? 2
Photo Credit: Youtube – Viva Films

Mas kilala ang aktor at aktres sa larangan ng komedya kaya hindi lubos na inaasahan ang husay na naipakita nila. Sinasabi rin ng iba na mas maganda pa daw ito sa nakaraang pelikula ni Alessandra na “Kita kita”.

Travel

Nabanggit din sa pelikula na ito ang katagang “Travel is the ultimate relationship test”. Tinahak umano ng cast ang pagpunta sa Iceland at dito naipakita ang mga magagandang tanawin tulad ng Aurora Borealis, magagandang Falls, geysers at isang napakagandang tanawin ng isang volcanic crater.

Through Night And Day - Bakit Nga Ba Trending? 3
Photo Credit: Youtube – Viva Films

Na-feature din umano ang isang lugar sa Benguet partikular ang isang sikat na bar kung saan nag-propose at kumanta sina Ben at Jen ng sikat na awiting “I will be here”. Dito sa eksenang ito ay maraming napaiyak at naantig ang kanilang puso.

Reaksiyon

Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang pelikulang ito sa Social Media kamakailan at naging trending. Hindi rin daw inaasahan ni Alessandra na sisikat ang pelikulang ito nang ipalabas niya noong November 2018 na ipinalabas sa at trending ngayon sa Netflix.

Through Night And Day - Bakit Nga Ba Trending? 4
Photo Credit: Youtube – Viva Films

Ani ng isang netizen,

“Sobrang ganda ng Through Night and Day. Sobrang idol ko talaga si @msderossi..Rare artist yung ganito, passion at hindi job and tingin sa pag-aartista.”

Through Night And Day - Bakit Nga Ba Trending? 5
Photo Credit: Youtube – Viva Films

Dagdag din ng isang fan ng pelikula,

“Sa lahat ng Filipino movies sa Netflix sa Through Night and Day lang ako umiyak.”

Dito raw nailarawan nila Ben at Jen ang iba’t iabng pagdadanan ng mga magkakarelasyon. At sa kanilang travel ay dito umano sinubok ang kanilang samahan at pag-iibigan.

Through Night And Day - Bakit Nga Ba Trending? 6
Photo Credit: latestchika.com

And pelikulang Through Night and Day ay No.1 umano sa listahan ng most-watched content sa Netflix.

SOURCE: latestchika.com

Video Credit: Youtube – VIVA Films

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: