Press "Enter" to skip to content

Throwback: Una At Huling Interview Kay Mommy Divine Bago Ang Kontrobersyal Na “Divine Intervention”

Matapos ang ang di umano’y “Divine Intervention” na naganap kamakailan lang sa secret wedding ng pop star princess na si Sarah Geronimo at nobyong si Matteo Guidicelli ay naging laman ng mga balita hindi lamang ang bagong kasal ngunit maging ang ina ni Sarah na si Mommy Divine.

Si Maria Divina Tua Geronimo o mas kilala bilang Mommy Divine ay ang tumatayong manager ng kanyang anak na si Sarah Geronimo. Gayunpaman, hindi ito mahilig magpa interview at madalas ay nasa likod lamang ito ng anak.

Nag iisang Interview

Minsan lamang itong nagpaunlak ng panayam at ang maswerteng nakasungkit ng “oo” ni Mommy Divine ay si Jo-ann Q. Maglipon ng Yes Magazine noong December 23 2010 na naging cover issue noong March 2011. Balikan natin ang kwento sa likod ng tagumpay ng Geronimo Family.

Ayon kay Mommy Divine, malaki ang naging hirap niya at kanyang asawa na si Daddy Delfin bago pa man makilala sa industriya si Sarah. Kwento niya mahirap ang buhay nila noon pa man. Hindi naging sapat ang kita ng asawa upang buhayin ang kanilang mga anak kung kaya naisipan niyang pumasok sa isang small-time business sa Sta. Cruz, Manila. 

“Hindi kami tumigil sa paghanap po [ng pera] ni Daddy. Gabi, araw, talagang lahat ng hirap, dinaanan namin. Lahat, lahat..” ani Mommy Divine.

Throwback: Una At Huling Interview Kay Mommy Divine Bago Ang Kontrobersyal Na "Divine Intervention" 1

Pagsubok

Naging maganda ang takbo ng buhay sa pamilya Geronimo ngunit ng pumasok ang taong ‘90s, sinubok muli sila ng tadhana. Dahil sa pagputok ng Pinatubo, palagiang lindol at madalas na kawalan ng kuryente ay naging matumal ang pasok ng pera sa kanila na kinalaunan ay naging sanhi ng kanilang pagka bangkarote.

“Ang Zurbaran po, ang nangyari no’n, ilang months walang kuryente iyan. So ang gamit namin, puro de-baterya na ilaw. Because walang kuryente, walang pumupunta. Wala ng bumibili. Bukod sa madilim, mainit pa. Wala na.”

Throwback: Una At Huling Interview Kay Mommy Divine Bago Ang Kontrobersyal Na "Divine Intervention" 2

Sa kabila ng hirap ay hindi siya nakaramdam ng masama, “Parang masaya ako. Hindi ko alam kung bakit ganoon kagaan…”

Noong panahon din na iyon, ay regular ng guest sa Pen Pen de Sarapen ng RPN-9 at Ang TV ng ABS-CBN si Sarah. Kahit ang bayad lang noon kay Sarah ng RPN-9 ay isang biskwit lang ay matiyaga ang mag asawa sa pag asikaso sa kanya. Masaya silang magtahi ng mga costume ng noon ay bata pang si Sarah. Ang kanilang kunswelo ay ang ugali ni Sarah na pagiging bibo at masayahin.

Hula

Minsan ay hinulaan si mommy Divine na kaya raw sila ng naghihirap ay dahil may dalang kamalasan ang kanilang tinitirahan. Ngunit dahil sa kahirapan ay di nila magawang lumipat. Sa panahon daw na iyon nila naranasan ang pinaka malalang krisis sa pinansyal. Naranasan umano nilang iwasan ng mga kaibigan dahil lagi silang nangungutang.

“Iyong mister ko, lahat ng sahod niya every month, nauutang na namin. Kumbaga, susuwelduhin mo pa lang, naiutang na. So zero, zero na kami. Negative.”

Throwback: Una At Huling Interview Kay Mommy Divine Bago Ang Kontrobersyal Na "Divine Intervention" 3

“Buwan-buwan, pinuputulan kami ng ilaw, ng tubig. Buwan-buwan iyon walang palya. May mga pagkakataon ng pinuputulan ka ng ilaw, biglang tatawag ang kuya ko. Sabi ko, ‘Kuya, pinuputulan kami ng ilaw…’ ‘Kunin mo dito iyong pambayad. Sige, bayaran mo.’”

“Tanggap ko po kung ano ang buhay namin. Ang sa akin lang po, e, bigyan N’yo ako ng lakas para kayanin ang krus na ito…Papasanin ko hanggat kaya ko.”

Tuloy ang laban

Hindi nagtagal nagbukas ang pinto ng pag asa para kay Mommy Divine. Noong 13 years old si Sarah ay nagkaroon siya ng pagkakataon na sumali sa contest na Star for a Night ng RPN-9. Naging katunggali niya dito si Mark Bautista. May pangamba man dahil sa tagal na ni Sarah sa showbiz ay “hindi naman siya napapansin” ay tuloy pa rin ang kanilang laban. Naranasan ni mommy Divine na mahuli ng mga gwardya sa loob ng mall dahil sa pamimigay ng flyers sa mga tao sa pag asang madadagdagan ang supporters ng kanyang anak. 

“Nahuli ako. Na detain ako kasi bawal daw mamigay ng leaflet sa loob ng mall. Nagmakaawa ako. Sabi ko, ‘Maawa naman po kayo sa akin. Hindi ko naman kasi alam na bawal. Kung alam ko po ng bawa, hindi ko po gagawin.’” 

Blessings

Lagi siyang nagdarasal noon hindi para manalo ang kanyang anak, kundi ipaubaya na sa Diyos ang lahat. Dininig naman ang kanyang panalangin dahil tinanghal na kampyon si Sarah. Doon na nagsimulang magbago ang kanilang buhay. Sabi nga niya, ito ay itinakda ng Diyos.

“Sobrang bait mo sa amin. Sa sobrang bait mo sa kanya [Sarah], baka makagawa siya ng bagay na….”

In God’s perfect time

Kilala bilang striktong ina si mommy Divine, ngunit ayon sa kanya ay ginagawa lamang niya iyon upang hindi maligaw si Sarah. Kung kaya naman lahat ng lalaking napapalapit sa anak ay tinututulan niya. Kabilang na roon ang ngayon ay asawa na ni Sarah na si Matteo. Nang tanungin sa palagay niya ay kailan dapat mag asawa si Sarah ay sinagot lamang niya ito ng “In God’s perfect time.”

Throwback: Una At Huling Interview Kay Mommy Divine Bago Ang Kontrobersyal Na "Divine Intervention" 4

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: