Press "Enter" to skip to content

Timbog Ka Ngayon!Pulis Sa Zamboanga Del Norte Huli Sa Aktong Nangingikil

Isang pulis ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP – IMEG) sa Zamboanga del Norte. Nangyari ito noong Huwebes ng hapon, Hunyo 25, dahil sa aktong pangingikil.

Timbog Ka Ngayon!Pulis Sa Zamboanga Del Norte Huli Sa Aktong Nangingikil 2
Photo Credit: Inquirer

Kinilala sa media noong Biyernes, ng hepe ng PNP-IMEG na si Police Brigadier General Ronald Lee, na ang suspek ay si Police Captain Haran Ulah, hepe ng Godod Municipal Police Station.

Ugat ng kaso

Nakatanggap ng reklamo ang mga pulis mula kay Jose Abarca, isang titser sa Sarawagan Elementary School noong Mayo 29.

Humingi siya ng tulong dahil siya ay hinihian ni Ulah ng P10,000 para maipagpatuloy ang kanyang treasure hunting sa Sitio, Riverside sa Barangay Raba.

Sinabi din ni Ulah kay Abarca na kapag siya ay nagbayad, hindi siya ire-raid ng mga pulis sa kanyang treasure hunting.

Entrapment operation

Ang entrapment ay pinangasiwaan ng PNP-IMEG kasama ang mga kapulisan ng Zamboanga del Norte Police Provincial Office at Police Regional Office 9 sa pamamhala ni Brigadier General Jesus D. Cambay Jr.

Si Ulah ay agad na inaresto matapos tanggapin ang P5,000 na marked money.

Timbog Ka Ngayon!Pulis Sa Zamboanga Del Norte Huli Sa Aktong Nangingikil 3
Photo Credit: The Mindanao Examiner

Kasama sa mga nakuha ng mga kapulisan kay Ulah ay isang govenment-issued M16 rifle, 45 caliber pistol, dalawang cellphone, at ang marked money na P5,000.

Pagpapanatag ng PNP

Ito ang pinahayag ni Lee para sa publiko,

“We have arrested another police officer accused of extortion in line with our continuing implementation of PNP Chief Gen. Archie Gamboa’s directive to go after rogues in uniform regardless of their rank and stature. We assure the public too that we will immediately and properly act on all complaints against erring police officers and men being forwarded to us.”

Timbog Ka Ngayon!Pulis Sa Zamboanga Del Norte Huli Sa Aktong Nangingikil 4
Photo Credit: Ronda Balita

Dagdag pa niya,

“There will be no respite in our crackdown against police scalawags and other rogues in government service despite the ongoing strict enforcement of quarantine measures to help prevent the further spread of Covid-19 (coronavirus disease 2019). Walang Covid-19 sa amin kapag ang huhulihin ay iskalawag na pulis.”

“There will be no respite in our crackdown against police scalawags and other rogues in government service despite the ongoing strict enforcement of quarantine measures to help prevent the further spread of Covid-19 (coronavirus disease 2019). Walang Covid-19 sa amin kapag ang huhulihin ay iskalawag na pulis

Ang suspek ay nasa kustodiya ng mga pulis at nahaharap sa kasong robbery-extortion.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: