Press "Enter" to skip to content

Tinaguriang Hari Ng Kalsada, Balik Pasada Na!

Malacañang, Philippines – Ayon kay Spokesperson Harry Roque, muli ng nag balik pasada ang mga tinaguriang hari ng kalsada sa ilang mga probinsya kung saan kulang ang mga bus at PUV para masakyan ng mga komyuter.

Balik pasada

Sa pahayag ni Spox, kaniyang sinabi na ang muli ng ibinabalik sa pamamasada ang mga traditional jeepneys sa mga low-risk COVID-19 infection areas katulad ng sa Baguio at Bohol.

Tinaguriang Hari Ng Kalsada, Balik Pasada Na! 2

Ani nito,

“Maraming lugar na walang bus at walang modern PUV kaya sa mga lugar na iyan ay pinapayagan po ang traditional jeepneys. Sa Baguio, sa Bohol, ilan lang po ito na may traditional jeepneys na.”

Dagdag pa ni Roque na umaarangkada na rin sa kalsada ang ilang mga jeepneys sa mga sumusunod na lugar:

  • Bulacan
  • Pampanga
  • Cagayan de Oro
  • South Cotabato
  • Siguijor
  • Ilocos
  • Western Visayas
  • Eastern Visayas
  • Central Visayas
  • Northern Mindanao
  • Davao Region
  • Caraga Region
  • Cordillera Administrative Region (CAR)

Byahe sa Metro Manila

Ngunit nilinaw naman ni Spox na hanggang sa kasalukuyan ay bawal pa rin bumyahe ang mga jeepneys sa Metro Manila.

Tinaguriang Hari Ng Kalsada, Balik Pasada Na! 3
A jeepney driver of Trancoville, Baguio City put a donation box inside his jeep, according to Trancoville Punong Barangay William Regacho, its up to the passenger to donate how much they will give. Photo by Mau Victa/Rappler

Ani nito,

“Kung papayagan man Sila bumalik ay tanging ang mga “road-worthy” na lamang ang papayagang makabyahe muli.”

Sa kasalukuyan tanging ang mga UV express lamang sa piling mga ruta ang pinayagang makabyahe sa Metro Manila.

Pangakong napako

Matatandaan na nitong mga nakaraang araw ay umalma ang mga transport group dahil sa panay na pag di-delay ng pamamasada upang makabalik na sila sa kalsada.

Ayon sa mga drayber ng Hari ng kalsada, lubos silang nasadlak sa pagka lugmok mula ng ipinatigil ang kanilang pamamasada. Dagdag pa rito ang kanilang hirap dahil lubos na naapektuhan ang kani-kanilang pamilya na nasasadlak sa krisis pinansyal lalong lalo na ngayong may pandemya.

Umaasa pa rin ang mga ito na muli silang papayagan ng gobyerno na makabyahe ng muli para umarangkada ang kanilang mga sasakyan.

Source: Inquirer.Net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: