Press "Enter" to skip to content

Tindero Ng Isda Sa Quezon City, Pinagpapalo Ng Mga Otoridad Dahil Walang Suot Na Face Mask

Isang tindero ng isda sa Quezon City ang dinakip at binugbog ng mga otoridad. Ito ay dahil umano sa hindi pagsuot ng face mask ng lalaki.

Walang suot na face mask

Pasado alas dose ng tanghali nitong Lunes, Abril 27, ng makita ng mga otoridad mula sa Office of the Mayor’s Task Force Disiplina ang tindero ng isda na si Michael Rubuia sa kahabaan ng Panay Avenue sa Quezon City. Wala umano itong suot na face mask kung kaya siya hinuhuli ngunit nagpumiglas umano si Rubuia.

Tindero Ng Isda Sa Quezon City, Pinagpapalo Ng Mga Otoridad Dahil Walang Suot Na Face Mask 2

Ayon sa isang saksi na si Yolly Aragon, trabahador sa isang laundry shop malapit sa pinangyarihan ng insidente, nagtangkang tumakas ang tindero. Hinatak ito ng mga otoridad ngunit di nanlaban.

“Nagtatakbo siya humawak sa bakal. Hinahatak nila, ayaw bumitaw. Bumitaw pero di nanlaban. Doon na nila pinagtulungang hatawin,”

Pinagpapalo ng mga otoridad

Makikita sa video na nagsisigaw si Rubuia na pilit na magpupumiglas. Pilit siyang isinasakay ng apat na kalalakihan sa L300 van ngunit hindi nakikipag koopera si Rubuia. Todo iyak at sigaw si Rubuia habang hinihila siya sabay palo sa kanya ng kahoy.

“ Wala naman po akong ginagawa eh,” sigaw ni Rubuia.

Dahil sa ingay ng komosyon, hindi maiwasang makita at makiusyoso ang mga tao. Maririnig sa video na kinokondena ng isang residente ang pangyayari. 

Sigaw ng residente, “ You’re abusing your power. Hindi nyo dapat gulpihin ang isang tao.”

Tindero Ng Isda Sa Quezon City, Pinagpapalo Ng Mga Otoridad Dahil Walang Suot Na Face Mask 3

Sagot ng officer, labag sa quarantine protocol ang ginawa ni Rubuia. 

Bwelta naman ni Aragon na kung kailangan itali na parang baboy, gawin ng otoridad ngunit ‘wag na ‘wag itong sasaktan. Hindi umano tama ang ginagawa ng opisyal kahit na sila ang nakatataas.

Ayon pa kay Aragon, kilalang tindero ng isda sa kanilang lugar si Rubuia. May permit umano si Rubuia na magtinda isda sa kahabaan ng Panay Avenue.

Pahayag ng lokal na pamahalaan

Sa binigay na opisyal na pahayag ng lokal na pamahalaan, hindi nila tinotolera ang karahasan sa pagpapatupad ng ECQ. Hindi umano dapat manakit ang mga otoridad ano man ang dahilan.

“The City Government shall never condone any acts of violence or violation of human rights, regardless of reason or justification, especially when committed by an official or employee of the City Government or any of the City’s Barangays.”

Tindero Ng Isda Sa Quezon City, Pinagpapalo Ng Mga Otoridad Dahil Walang Suot Na Face Mask 4

“While the City Government reiterates its resolve to fully enforce ECQ Protocols at this time of the COVID-19 pandemic, all its personnel and agents are strongly reminded to conduct themselves with proper decorum and restraint and to observe compassion and tolerance, especially in these difficult times,”

Sa ngayon, si Rubuia ay nasa kostodiya na ng mga pulis sa Kamuning Police Station.

Panoori dito ang kabuuan ng video:

WARNING: This video contains violent images that may be disturbing to some viewers. Viewer discretion advised.A fish…

Posted by Rappler on Tuesday, April 28, 2020

Source: Rappler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: