Browse By

Tingnan: Paolo Ballesteros May Ginawa sa Bahay Nya

Hindi pa man nakakalipas ang Halloween at Oktubre pero ramdam na ng GMA Dabarkads na si Paolo Ballesteros ang diwa ng kapaskohan ng kaniyang binago ang labas ng kanyang bahay at ginawa itong isang malaking “Christmas Gift“.

Photo Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Makikita sa instagram post ng “Eat Bulaga” host na nilagyan nya ng isang “giant gold bow” ang harap ng kanyang bahay sa Antipolo habang ang balkonahe ng bahay ay may mga “christmas garland” na dekorasyon.

Itsura ng bahay sa gabi

Sa gabi ay makikitang na puno ng maliliwanag na ilaw na kulay pula at dilaw ang bahay ng Dabarkads na si Paolo samantalang ang kanyang “driveway” ay nagliliwanag din sa ilaw sa pathway lights na kulay berde.

Photo Credit: Paolo Ballesteros Instagram

“Merry Christmas na sa Antipolo, Dabarkads!”

“Gold na siya ngayon!”

-Paolo Ballesteros sa kanyang instagram post

Hindi ito ang unang pagkakataon na nilagyan ng dekorasyon ng aktor ang kaniyang bahay na parang regalo sa pasko. Dati ay ang ginamit ni Paolo ay kulay pula na “bow” at mga pulang “poinsettia garlands” para sa kanyang balkonahe.

Si Paolo ay lumipat sa kanyang bahay sa Antipolo noong Disyembre 17, 2017 ilang araw bago magpasko.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Your email address will not be published.