Press "Enter" to skip to content

‘Tiniis Namin Ang One Day One Eat Pero Bakit Pinapakain Nyo Samin Tirang Pagkain Ng Hindi Namin Kilala!’ Galit Na Reklamo Ng OFW

Riyadh, Saudi Arabia – Ibang klaseng pang gigipi at nararanasan ngayon ng grupo ng mga OFW sa Saudi matapos silang ikulong sa isang kabin ng kanilang ahensya at isang beses lamang pinapakain sa isang araw na mula pa sa tirang pagkain ng ibang tao.

Pag kwestyon

Sa nangyaring krisis sa buong mundo, lubos na naapektuhan ang mga OFW’s simula ng magsara ang kani-kanilang mga kumpanyang pinag tatrabahuan.

'Tiniis Namin Ang One Day One Eat Pero Bakit Pinapakain Nyo Samin Tirang Pagkain Ng Hindi Namin Kilala!' Galit Na Reklamo Ng OFW 2

Ayon sa Facebook post ni Rosani Galgo Delector, ibinahagi niya sa pamamagitan ng litrato ang kanilang kondisyon sa ilalim ng kanilang ahensya na ang pangalan ay Career Internal Manpower Solution Inc.

Ani ni Rosani,

“Calling the attention of my agency CAREER INTERNATIONAL MANPOWER SOLUTION Inc. Mag pakatao na man kayo!!!! Tama pa ba tong ginagawa nyo samin at ng mga taong responsable sa sitwasyong ito?”

Dagdag pa niya,

“Cabin na nga pinatirahan nyo samin pinag halu-halo nyo pa kaming lahat kahit alam ninyo na may mga sakit yong iba!”

Maling pagtrato

Base sa naturang larawan na inupload ni Rosani, makikita na sila ay nag sisiksikan lamang ito at naka higa sa sahig habang nag hihintay ng rasyon na makakain.

'Tiniis Namin Ang One Day One Eat Pero Bakit Pinapakain Nyo Samin Tirang Pagkain Ng Hindi Namin Kilala!' Galit Na Reklamo Ng OFW 3

Ani niya,

“Tama bang bigyan at pakainin kami ng mga tirang pagkain ng mga taong hindi namin kilala at hindi alam kung saan galing?!”

Bukod sa kanilang pagkain na tita-tira lamang, isa pang pasakit sa kanilang kondisyon ang pag bigay sa kanila ng makakain.

Sambit nito,

” Wala kayong puso o mas tamang sabihin hindi kayo tao! Wag nyo hintayin umabot tayo sa sukdulan. Tiniis namin yong ONE DAY ONE EAT tapos ito pa yong gagawin nyo ngayon?!”

Panawagan na makauwi na

Ayon kay Rosani, wala silang ibang hiling kundi ang makauwi na dahil umano sa maling pag trato sa kanila ng ahensya.

'Tiniis Namin Ang One Day One Eat Pero Bakit Pinapakain Nyo Samin Tirang Pagkain Ng Hindi Namin Kilala!' Galit Na Reklamo Ng OFW 4

Ani niya,

” Bakit hindi nyo asikasuhin yong pag uwi namin total my ticket na kami bakit kailangan nyo iparanas samin ang ganito!?”

Dagdag pa dito ang hirap ng kalagayan ng mga kapwa OFW kung saan halo-halo umano sila sa loob ng iisang kabin. Mayroon daw buntis at ang ikinakatakot nila ay mayroong sakit ang kanilang kasamahan na hindi rin nito Binanggit kung anong karamdaman ito.

Sa larawan makikita na ang kanilang tirahan ay gawa lamang sa yerong pinag tagpi-tagpi lamang para may pansamantala silang matuluyan. Kaya naman lubos silang umaasa na sa simpleng litrato ng bag viral ay maipaabot ang kanilang kondisyon at may tumulong man lang para mapa bilis ang kanilang pag uwi.

Source: OFW JOIN FORCE – Ang Boses At Kakampi Ng Mga OFW

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: