Press "Enter" to skip to content

Tinulak Daw! Pinay OFW Sa Saudi, Lagapak Mula Sa 4th Flr Ng Gusali Dahil Sa Tsismis!

Isang Pinay na domestic helper ang hanggang ngayon ay kritikal pa rin sa ospital matapos diumano ay ihulog ito ng katrabahong Arabo sa Saudi.

Hinulog o nahulog?

Ttinatayang hinulog umano ang biktimang si Janet Calayag, ayon sa mga katrabaho nito. Sa isang video na kumalat sa social media, maririnig ang boses ng mga katrabaho ni Calayag na syang nakakita sa katawan nito matapos malaglag sa ikaapat na palapag ng gusali. Bunsod anila ito sa tsismis na tatakas si Calayag.

Tinulak Daw! Pinay OFW Sa Saudi, Lagapak Mula Sa 4th Flr Ng Gusali Dahil Sa Tsismis! 2

Sa kabilang banda, ayon sa isa sa mga kasamahan ni Janet, kinulong umano ito sa katabing flat nila. May nagsumbong umano na kapwa empleyado na tatakas ang biktima.

Foul play

Naniniwala ang mga katrabaho nito na may foul play sa nangyaring insidente at hindi isang aksidente lamang. Ayon sa kamag-anakan ng biktima na si Princess Anne Reyes, nagtamo umano ng tama ang bungo ng biktima. Ayon pa sa kamag-anak, may mga katrabahong witness sa nangyaring insidente. Kasalukuyang nakaadmit si Calayag sa Erfa Hospital.

Tinulak Daw! Pinay OFW Sa Saudi, Lagapak Mula Sa 4th Flr Ng Gusali Dahil Sa Tsismis! 3

Bago pa umano mangyari ang insidente, napag-alaman na nais na umano ni Janet na umalis sa pinagtatrabahuang agency bilang tagalinis dahil sa mga kabawasan sa kanyang sweldo. Hindi anila nagustuhan ng gwardya ang ideya ni Calayag kaya humantong sa nangyaring insidente.

Hinaing ng pamilya

Si Janet ay isang single mother na mula sa Malolos, Bulacan. Hangad ng pamilya nito sa Pilipinas na agarang matulungan ang si Janet at makauwi ng Pinas. Naniniwala sila na patuloy na lumalaban si Calayag para sa kanyang anak. Sa ngayon ay umaasa ang pamilya na mabigyan ng pantay na imbestigasyon at immediate assistance si Janet mula sa gobyerno.

Walang kooperasyon

Hinaing naman ng mga katrabaho ni Janet na maimbestigahan ang kompanyang kanilang pinagtatrabahuan dahil hindi ito nagbibigay ng kooperasyon hinggil sa nangyari. Anila ay ipinagsasawalang bahala lamang ito ng kumpanya.

Source: Aljhean Michelle Pepito-Lao Balabag

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: