Last updated on July 28, 2020
Kamakailan, isang concern nanay ang nagpost sa kanyang social media account ng paraan upang malimitahan ang pag gamit ng gadget ang kanyang anak.
Iwas gadget
Maraming mga bata ngayon ang nahuhumaling sa pag gamit ng mga makabagong gadget. Tunay na nakakabahala na ang pag kaadik ng mga ito sa mga online activity. Kaya naman naisipan ng isang nanay na ibahagi ang naging solusyon nya upang mabawasan ang pag gamit sa telepono ng kanyang anak dahil malimit na itong mapuyat sa pag gamit nito.

Malaki ang naging pagbabago ng anak matapos nyang matuklasan ang isang application para malimitan ang pagkahumaling nito sa cellphone,na inaabot ng lampas hating gabi sa panonood sa you tube. Alam nito na makakatulong ito sa mga tulad nyang nanay na nahihirapang pigilan ang mga anak sa pag gamit nito.
Paraan ng ina
Ayon kay Wendy,
share ko lang kung gano ka effective to sa anak ko nakita ko lang dn somewhere sa nf kaya tinry ko. dati sobrang adik nto sa cp . madalas past 12 na gcng padn nag yu-youtube .pero cmula ng ginamit ko to wala na xa palag
Laking tuwa ng Wendy na epektibo ang application na nakuha nya online, nagkaroon sya ng access sa gamit na cellphone ng anak. Maging sa pag download ng kung ano ano ng anak ay napipigilan pag wala ang kanyang pahintulot. Bukod pa rito tiyak na mababatantayan mo rin kung ano ang mga pinapanood ng iyong anak.

Dagdag pa nya,
naacces ko ung cp na gamit nya , pwede ko lagyan ng limit kung ilang hrs lang xa pwede gumamit day time and meron din bedtime na kusa xa maglalock . di nya maaacces buong phone kht anong gawin nya sa specific na time na iseset mo . pwede ko dn ilock anytime cp nya pag gsto ko kada magdadownload xa need pa ng approval ko kaya di xa basta basta makakapag download ngaun sa sobrang brong nya wala xa magawa di mahawakan cp nya , maaga nalng xa natutulog
Ang Application
Sabi ng ina,
DOWNLOAD nyo lang sa play store ung GOOGLE FAMILY LINK FOR PARENTS then set up nyo. dapat hawak nyo dn cp ng anak nyo dhl idadownload nyo din ung app na GOOGLE FAMILY LINK FOR KIDS & TEENS SA CP nya . sundin lang lahat ng steps sa family link for parents bago nyo idownload ung family link for kids ,

Maraming netizens ang natuwa sa pagshare ng concern nanay na si Wendy. Ang ilang komento rin sa kanyang post ay kung paano ba nila mapipigilan ang mga anak sa matagal na pag gamit ng gadget. Ayon sa isang komento “Buti ku mileytot q, pg cnabi q patayin n Ang CP, sinusunod agad ako, pinapatay n nya sabay abot sakin at sabhin lowbat na charge mo ma, kahit hndi takot Kasi sya mapagalitan ko pg d AQ sinunod..”
Source: Wendy Baluyot
Be First to Comment