Press "Enter" to skip to content

Tondo District Sa Maynila, Sasailalim Sa ‘Hard Lockdown’ Ngayong Weekend

Ngayong darating na weekend ay isasailalim sa ‘hard lockdown’ ang Tondo district. Bagaman patuloy ang pagdami ng recoveries mula sa Covid-19, patuloy din naman ang pagdami ng kaso ng positibo sa sakit. Iyan ay ayon sa ulat ng Manila Health Department.

Hard lockdown

Pinaplano ng Maynila na isailalim ang buong Tondo District sa ‘hard lockdown’ upang magbigay daan sa isasagawang mass testing sa nasabing lugar. Ang lockdown na ito ay matagal na diumano inaasahan ng mga taga Tondo magmula pa noong mauna na itong ipatupad sa Sampaloc at sa Barangay 20. Isa rin sa may mataas na bilang ng ECQ violators at covid-19 cases ay naitala sa Tondo.

Tondo District Sa Maynila, Sasailalim Sa 'Hard Lockdown' Ngayong Weekend 2

Sta. Ana Hospital

Sa kabilang banda ay ipinagpapasalamat ni Manila Mayor Isko Domagoso sa dating administrasyon ng Maynila ang pagpapatayo ng Sta. Ana Hospital na syang kasalukuyang nangunguna sa listahan ng mga ospital na may pinakamaraming recoveries mula sa covid-19 na kontrolado ng lokal na pamahalaan. Sa kasalukuyan ay aabot na sa animnapu ang nasawi mula sa virus at 509 naman ang naitalang positibo sa sakit.

Positibo sa covid

Isinara naman ang emergency section ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center dahil walong medical personnel nito ang nagpositibo sa covid. Apat na doktor, dalawang nurse at dalawang technical personnel ang nagpositibo sa virus. Bunsod ng sitwasyon ay inanunsyo na hindi na muna tatanggap ang ospital sa emergency dahil isasailalim pa ito sa disinfecting at cleaning process. Gayunpaman, hindi magsasara ang dialysis center nito at mananatili pa din ang mga nakatalagang schedule ng mga serbisyo nito.

Tondo District Sa Maynila, Sasailalim Sa 'Hard Lockdown' Ngayong Weekend 3

Madaming pasaway

Hinaing ng maraming netizens, tila madami pa din ang pasaway sa maraming lugar. Anila ay kaya patuloy ang pagpapalawig ng enhancef community quarantine ay dahil sa mga hindi mapirmi sa kanilang mga bahay at patuloy pa din ang paglalalabas ng kanilang tahanan. Patuloy na hiling ng marami, #StayAtHome.

GMA NEWS COVID-19 Bulletin: Tondo 1, isasailalim sa hard lockdown sa weekend

PANOORIN: Nakatakdang sumailalim sa “hard lockdown” ang Tondo District 1 sa Maynila sa weekend, ayon kay Mayor Isko Moreno.Bisitahin ang gmanews.tv/COVID19 para sa mga balita kaugnay ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Posted by GMA News on Tuesday, April 28, 2020

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: