Press "Enter" to skip to content

Toni Fowler Umalma Sa Kwentong Kutsero ni DJ Loonyo

Nagbasag na ng katahimikan si Toni Fowler, para sa dati nyang kagrupo na  si Aika Flores, pinatutuhanan nya na hindi nagsisinungaling ang kaibigan. Ayon ito sa kanyang post para kay DJ Loonyo.

Kwento ni Loonyo

Marami ang nabulabog sa pinalabas na kwento sa magpakailanman ng buhay ng sikat na sikat ngayon online dahil sa galing nyang magsayaw na si Rhemuel Luino o kilala bilang si DJ Loonyo.Marami umano ang taliwas sa tunay na nangyare sa buhay ng sikat na dancer/DJ.Unang umalma rito ay ang kanyang ex girlfriend na si Aika Flores.

Toni Fowler Umalma Sa Kwentong Kutsero ni DJ Loonyo 2
Photo Credit: Toni Fowler

Inihayag nito na walang katotohanan ang kwentong ipinalabas sa nasabing programa. Matapos magtrending ang pagsisiwalat ng kanyang pinagdaanan mula sa dating kasintahan na si DJ Loonyo. Marami ang nakisimpatya na nasabing babae. Isa na rito ang dati nyang kagrupo na si Toni Fowler. Pinatutuhanan ni Fowler ang lahat ng kwento ng kaibigan, dahil saksi sya sa mapait na pinagdaaan nito .

 Sulat mula kay Fowler

Hi DJ Demunyu,

Small world no? Tropa ko nga pala yung nabuntis mo at hindi mo pinanindigan. Brad saksi ako sa pag hihirap ng tao. Mag ka grupo kami dati sa channel 4. Nung panahon na merong kayo. Mula ng nabuntis sya puro iyak dahil koopal ka. Kaya nung nakilala ka? Natatawa nalang kami atleast naabot mo pangarap mo magpasikat kahit marami kang bagay na hindi abot dahil bansot ka. SAKSI AKO NA YUNG BABAENG BINUNTIS MO SUMASAYAW AT NAGIIPIT NG TYAN PARA LANG KUMITA NG PERA. 500 PESOS LANG TF NAMIN NON PER DAY! Ganon ka kritikal yun brad with rehearsal pa bago mag show! Wag mong baliktarin ang storya! Makikiepal ako kasi nanay din ako. At tulad nga ng sabi ko SAKSI ako sa stress nya sayo.

Toni Fowler Umalma Sa Kwentong Kutsero ni DJ Loonyo 3
Photo Credit: Toni Fowler

Sa pasabog na ito ni Fowler sa kanyang social media account ay umani na ito  sa 277 thousand na likes and 152 thousand share. Alam nya ang paghihirap ni Aika, lalo na’t isa rin syang ina. Labis ang paghanga ni Fowler sa kaibigan dahil sa nakita nitong mga lawaran ni Aika, na kahit saan pa ito magtungo ay parati nitong dala ang larawan ng namayapa nitong anak, na wari bang palagi nitong kasama.

Ani pa niya,

Isa ka ding walang bay@g! Kung may awa ka pa kay aika at sa anak nyong nananamihimik na sa langit wag ka ng mambaliktad brad! Maawa ka naman t@ngyna sobra sobra na ginawa mo sakanya. Ang tagal nyang nadepress sa nangyari sakanya. Tapos ikaw papeymous peymous lang? Urur! Para lang alam mo mga dancer na kilala buong pagkatao mo tinatawanan ka lang urur! Ni wala ka sa kalingkingan ni mannex! Paturo ka sakanya ulit para hindi paulit ulit steps mo hind0t! Sinungaling!

Toni Fowler Umalma Sa Kwentong Kutsero ni DJ Loonyo 4
Photo Credit: Toni Fowler

Ipinagtanggol lang aniya ang kaibigan dahil wala ng ibang magmamalasakit dito, kundi yung mga nakasaksi sa totoong pinagdaan ni Aika .  Matagal ng hiwalay ang dalawa , kaya natuwa din sila sa pagsikat ng dancer, gumawa lang ng ingay ang kaibigan dahil sa maling paratang na ibinabato sa kanya dahil sa maling kwento ang napanood nila sa programa.

Source: Toni Fowler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: