Press "Enter" to skip to content

Top Cop PM Gen Sinas, Senior Officials Nahaharap Sa Kasong Kriminal

Inihahanda na ang kasong isasampa kay Police Major Debold Sinas at sa mga kapulisan na umattend sa mananita party nito noong May 8. Ang mga ito mahaharap sa criminal charges bunsod ng pag-party sa gitna ng pagbabawal sa mga mass gatherings habang umiiral ang enhanced community quarantine.

Kakasuhan

Ibinahagi ni Presidential Spokesperson Garry Roque na ibinalita sakanya ni PNP Chief General Archie Gamboa na iniutos na nito ang masusing imbestigasyon laban kay Sinas at team nito. Ito ay ukol sa alegasyon na paglabag ni Sinas at mga tauhan nito sa ECQ protocol na kung saan ay hindi nasunod ang social distancing at pagkakaroon ng selebrasyon.

Top Cop PM Gen Sinas, Senior Officials Nahaharap Sa Kasong Kriminal 2
Photos from NCRPO

Clearance

Dagdag pa ni Roque, nanghihingu umano ng clearance ang ahensya ng PNP mula sa Pangulong Duterte ukol sa pagsasampa ng kasong administratibo kina Sinas, atbp. Aniya,

“Major General Sinas is a third level officer and a presidential appointee; hence, a clearance from the OP is needed for the filing of administrative charges of the PNP. The same applies to the senior police officials who are also presidential appointees,”

Depensa

Depensa naman ni DILG Secretary Ano, mananita lamang ang naganap na kung saan ay binati ng grupo si Sinas. Aniya ay hindi ito maituturing na isang party ngunit hindi rin naman tama ang pagkakaroon ng selebrasyon sa gitna ng pandemic.

Top Cop PM Gen Sinas, Senior Officials Nahaharap Sa Kasong Kriminal 3
Photos from NCRPO

Sa kabilang banda, nagpahayag ng apology si Sinas at sinabing edited ang mga larawan na lumabas sa social media. Tumanggi din ito na umalis sa kanyang kasalukuyang pwesto sa gobyerno.

Early surprise party

Matatandaang nag-viral ang mga larawan ng ‘mananita’ party diumano ni PM Gen Sinas ilang araw matapos ang aktwal na selebrasyon. Galit at paghihimutok ang balik ng mga netizens sa grupo ni Sinas dahil anila ay hindi nasunod ang social distancing sa selebrasyon.

Top Cop PM Gen Sinas, Senior Officials Nahaharap Sa Kasong Kriminal 4
Photos from NCRPO

Nakadagdag pa sa pagkadismaya ng netizens ay ang pagkakaroon umano ng party ng mga kapulisan sa kabila ng mahigpit na pagbabawal sa mga mass events. Anila, ang kapulisan mismo ang lumalabag sa mga batas na kanilang ipinapatupad. Gayunman, katulad ng mga ordinaryong tao, dapat ang mga ito ay mabigyan ng leksyon.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: