Press "Enter" to skip to content

Roque: Total Lockdown, Hindi Rekomendado Ng Health Experts

April 22- Ang mga health expert ng World Health Organization (WHO) ang sinasabing kinunsulta ni Pangulong Duterte patungkol sa planong paigtingin pa sana ang total lockdown, upang mas mabilis matugunan ang pag kontrol sa virus na COVID-19. Ngunit hindi ito ang naging rekomendasyon ng nasabing mga health expert ayon sa Malacañang.

Napagkasunduan

May mas malapit pa na napagkasunduan sa pagitan ng health expert at ni Duterte. Ito ay ang tungkol sa “pag extend” ng ECQ o enhanced community quarantine, na nagsimula noong March 17 at magtatapos ngayong April 30. Ngunit hindi na daw dapat masakop pa ang Luzon sa nasabing extension. -Spokesperson Harry Roque.

Hindi Total Lockdown Ang Naging Rekomendasyon

Paglilinaw din ng tagapag salita na wala umanong nagrekomenda ng total lockdown. “Ang naging rekomendasyon lamang ay mapanatili, i-relaks, i-angat ang ECQ sa ibang lugar. Ngunit ito ay naka depende pa din sa kaso ng COVID-19, ”sinabi niya sa kaniyang panayam sa telebisyon.

Ang ECQ

Kasabay ng konsultasyon ng Pangulo noong Lunes, itinanong din niya sa mga eksperto ang tungkol sa maaring kahihinatnan kung ang ECQ ng Luzon ay itataas lamang, mababago, o mapanatili, -Ani Roque.

Dagdag sa kaniyang tanong na may kasamang pag-aalala na kung magkakaroon pa ng pangalawang dami ng ma-iimpeksyon sa COVID-19. Ilan pa ang maaring mamatay mula dito? kung ang panukalang paghihigpit ay mababago sa lalong madaling panahon.

Pagpupulong

Paglalarawan pa ni Roque sa naganap na halos limang oras na pagpupulong, ito ay naging “very informative”.

Gayundin ang mga opinyon na ipinakita ng mga eksperto ay “mahusay na sinaliksik”.

“We have the best brain power in this country,” dagdag pa niya.

Mga dumalo

Ang mga dumalo sa nasabing pulong ay ang dating mga kalihim sa Kalusugan na sina Esperanza Cabral, Janette Garin, at Jaime Galvez Tan, dalubhasa sa pampublikong kalusugan na si Dr. Susan Mercado, tagapagtaguyod ng reporma sa kalusugan na sina Dr. Anthony Leachon at Dr. Mahar Lagmay ng Unibersidad ng Pilipinas.

Ganun din sina Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Alan Peter Cayetano, Senador Christopher ‘Bong’ Go, Kinatawan ng Quezon na si Angelina Tan, at ilan pang mga opisyal ng Gabinete na dumalo din sa nasabing konsulta.

Ano man ang maging desisyon ng Pangulo nawa’y gabayan ito ng poong may kapal upang tuluyan ng matapos ang paghihirap sa krisis sa gitna ng COVID-19.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: