Last updated on May 2, 2020
Ipinatupad ng pamahalaang lokal ng Bacoor City ang Total Lockdown sa Barangay Molino III dahil sa lumalalang kaso ng COVID19. Ito ay magsisimula sa Abril 24, 2020 hanggang April 30, 2020.
Executive Order
Ngayong araw, Abril 22, 2020 naglabas ng Executive Order ang lungsod ng Bacoor na nilagdaan ni Mayor Lani Mercado Revilla. Nakasaad dito ang pagpapatupad ng total lockdown sa nabanggit na barangay.

Ayon sa nilalaman ng executive order na ito, mahigpit na ipinagbabawal sa mga nakatira doon ang paglabas sa boundary ng kanilang barangay. Hindi rin pinapayagan na may makapasok doon. Isinarado na rin at nilagyan ng mga harang ang mga daan sa kanilang lugar. Ipinatupad na rin doon ang 24 hours curfew.
Hindi na rin nila kailangan pang lumabas ng kanilang barangay para mamili ng pagkain at gamot. Naglagay na rin ng mga rolling stores sa barangay. Pwede rin sila magpadeliver na lang dahil meron na silang Molino Online Market, at Mercury Drug online.
Maraming nagpositibo
Ang dahilan kung bakit napagdesisyunan ng lokal na gobyerno ng Bacoor ang pag-total lockdown sa naturang barangay ay dahil sa maraming nag-positibo dito. Umabot na sa 12 ang kumpirmadong positibo sa COVID19. Hindi pa kasali ang mga suspected at probable cases na naghihintay pa ng test result.

Kaugnay sa balitang ito, nauna na rin naiulat ang pagpatupad ng total lockdown sa Sampaloc, Maynila. Dahil sa parehong rason, ang pagdami ng mga nagpositibo sa COVID19. Ito lamang ang naisip ng mga parehong lugar para sa maiwasan pa ang pagdami at pagkalat ng virus na ito.
Matitigas ang ulo
Marami sa mga taga-Barangay Molino III ay hindi sumusunod sa mga pinagbabawal ng gobyerno. Kahit na lagi silang pinaalalahanan hinggil sa bawal ang paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan. Sige pa rin sila sa paglabas-labas ni hindi nila iniisip na isang hakbang lamang nila palabas ay nakaantabay na sa kanila ang virus.

Dahil sa sobrang katigasan ng ulo ng mga tao kaya tuloy nahihirapan tayong sugpuin o labanan ang COVID19. Matatandaan na mula ng pinatupad ang lockdown sa halos lahat ng lugar sa Pilipinas ay iisa lamang ang hiling ng gobyerno, yun ay ang manatili tayo sa ating mga bahay.
Magising na sana ang mga tao at sumunod na lang sa mga pinapatupad ng ating gobyerno. Sabi nga nila, minsan kailangan mong sumawsaw sa suka, kahit ito ay maasim.
Be First to Comment