“Total lockdown” kinokonsidera na ngayong ipatupad ng Malacañang. Ito ay bunga ng patuloy na pag labag ng marami sa kasalukuyang enhanced community quarantine.
Sino ang nagsabi
Sa isang virtual briefing ay binigyang linaw ni Presidential spokesperson Harry Roque ang issue ng pagpapatupad ng total lockdown. Aniya, nung una ay inatasan siyang linawin na fake news ang nasabing usapin ng total lockdown.

Ngunit ngayon, bilang update, ay malinaw na inanunsiyo ni Roque na hindi raw fake news na kinokonsidera na nila ang magpatupad ng total lockdown.
Ang dahilan
Ayon kay Roque, ang pinag iisipang pasya ay dahilan sa patuloy na pag labag ng nakararami sa kasalukuyang ipinatutupad na ECQ sa buong Luzon. Posible raw talaga ang total lockdown kung magpapatuloy ang maraming mga pasaway sa kalsada na pilit lumalabag sa batas.

Ayon sa mga awtoridad, nasa 100,000 na ang bilang ng mga tao na naitalang lumabag sa Luzon ECQ.
Pakiusap sa publiko
Panawagan ni Roque sa publiko ay gampanan na raw sana ng bawat isa ang tungkulin na sumunod sa batas. Pakiusap niyang magtulungan ang lahat upang hindi na humaba ang ECQ.
Paalala pa niya, ay isang linggo na lamang ang nalalabi sa ECQ. Sandaling panahon na lamang daw iyon. Kaya sana daw ay makapag tiis nang manatili ang lahat sa kanya kanyang tahanan.
Karagdagang paglilinaw
Niilinaw ni Roque, na kung hindi mapapababa sa mga susunod pang araw ang kaso ng COVID-19 sa bansa, ay isa talaga ang total lockdown sa pagpipiliang gawin.
Sinabi na rin ng Inter-agency Task Force (IATF) na pinaguusapan na nila ang magiging plano ng gobyerno kung mabigo ang lockdown.

Sa kasalukuyan ay 5,453 na ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. 349 na ang bilang ng namatay at 353 naman ang bilang ng recoveries.
Source: Inquirer.net
Be First to Comment