Press "Enter" to skip to content

Totoo Ba? Manuel Mejorada, Idinetalye Ang Kasong Human Trafficking Laban Kay FLM

Muli na naman naglabas ng pasabog ang isa sa active na kalaban ni Francis Leo Marcos o FLM. Ngayon, ikinwento niya kung anong ginawa umano ni FLM kung kaya nakasuhan ito ng qualified human trafficking.

Human trafficking

Sa kanyang video post sa kanyang Facebook page, idinetalye niya kung bakit biglang may sumulpot na kaso na human trafficking laban kay FLM. Aniya taong 2006 pa ito nangyari at dahil sa pagpapalit ni FLM ng pangalan mula sa Norman Antonio Mangusin hanggang sa Francis Leo Marcos kung kaya nagagawa nitong makatakas sa batas.

Totoo Ba? Manuel Mejorada, Idinetalye Ang Kasong Human Trafficking Laban Kay FLM 2

Sa kwento niya, nagpadala siya ng mga babaeng OFW sa bansang Cyprus na may pangakong may trabahong sasalubong sa mga ito doon. Dahil sa magandang alok at walang babayaran ultimo placement fee ay marami umanong naeengganyo at kumagat sa kanyang alok na pag aabroad.

Binugaw lang pala

Pagdating umano sa Cyprus, nagulat ang mga kawawang babae na hindi sa restaurant ang alok na trabaho. Sa halip, sa isang prostitution den umano sila ibinagsak ni FLM. Sa kabutihang palad, ilan sa kanila umano ay nakatakas at nakauwi ng bansa ng ligtas. Doon na umano nagsampa ng kaso ang mga ito laban kay FLM.

Totoo Ba? Manuel Mejorada, Idinetalye Ang Kasong Human Trafficking Laban Kay FLM 3

Na file umano ang kaso sa regional trial court subalit natulog ang kaso dahil biglang nawala na parang bula ang pangalang Norman Mangusin na siyang gamit umano ni FLM noon. Ayon kay Mejorada, ginawa ito ni FLM upang makatakas sa kanyang mga kaso lalo at mabigat ang kasong qualified human trafficking.

Tagumpay na nga ba

Itinuturing na isang tagumpay ang nangyayaring pagkakakulong kay FLM. Sa katunayan, anim na araw na itong nakakulong hanggang noong Lunes, kabaliktaran ito sa paniniwala ng kanyang mga supporters na nakalaya na ito.

Panawagan ni Mejorada, kung may alam ang sino man na nangyaring pambubudol maaaring silang magsumbong sa kanyang page na “Talino Warriors”. Handa umano ang kanilang samahan na tulungan ang mga biktima ng scam.

Talino Warriors nagtagumpay sa pagpabagsak kay budol-budol king Francis Leo Marcos, o si Norman Mangusin in real life.

Francis Leo Marcos shot up to social media popularity like a rocket ship. He portrayed himself as a billionaire-philantrophist who was willing to share his wealth to help Filipinos during the Covid 19 pandemic. But underneath the white suit was a hungry wolf, baiting his victims to come to him willingly and be devoured, or rather feed him with their hard-earned money.What he didn't expect was a small group of Filipinos — the #TalinoWarriors — would rise to the challenge and expose his fraud. His fraudulent activities came to an abrupt end on May 19, 2020 when the NBI placed him under arrest.This episode gave birth to a social media movement that will guard ordinary Filipinos against predators like Mangusin.

Posted by Manuel "Boy" Mejorada on Monday, May 25, 2020

Source: Manuel “Boy” Mejorada

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: