Press "Enter" to skip to content

Traditional Medicine Isinusulong ng China Sa Pag Gamot Ng COVID 19

Last updated on July 1, 2020

Isinusulong ng China ang paggamit ng traditional na medisina laban sa COVID-19 virus, sa kasagsagan ng pag laganap nito. May mga gamot nang aprubado at nasubukan nang ginamit laban sa mga nakaraang pandemya, tulad ng SARS 2003 at H1N1 2019.

Mabisang pangontra

Ayon sa pahayag sa gobyerno ng China, 92% na kaso ng COVID 19 ay sinalihan sa paggamot gamit ang traditional medicines.

Traditional Medicine Isinusulong ng China Sa Pag Gamot Ng COVID 19 2
Photo Credits: China

Ang mga Traditional Chinese Medicines ay popular sa China, bilang pinaka lumang paraan sa pag gamot, gamit ang mga samot saring herbal galing sa halaman o hayop, accupunture at tai chi.

Popular na gamot

Anim (6) ang mga inilathalang TCM bilang popular na gamot sa COVID 19. Dalawa (2) nito ay ang Lianhua Qingwen– na may 13 herbs gaya ng forsythia suspense at rhodiola rose. At ang Jinhua Qinggan– na diskubre noong nagkaroon ng H1N1 2009 outbreak- at may mga 12 sangkap gayang honeysuckle, mint and liquorice.

Traditional Medicine Isinusulong ng China Sa Pag Gamot Ng COVID 19 3
Photo Credits: Nutraingredients-asia

Kahit sa mga kontrobersiya, lumalago ang industriya ng TCM sa China at nag tala ng pagtaas ng demand sa International market. Mismong si President Jinping ay nai-ulat na fan ng TCM, at tinawag itong”treasure of Chinese civilization”.

Walang malakas na syentipikong ebidensya

Ayon sa US National Institutes of Health, maaring maibsan ang mga simtomas ng COVID gamit ang TCM, pero wala pang malakas na syentipikong resulta, na makapag-sabi na mabisa ito bilang gamot laban sa COVID-19 virus.

Traditional Medicine Isinusulong ng China Sa Pag Gamot Ng COVID 19 4
Photo Credits: Wemp

Sabin ni Edzard Ernst, isang retired UK-based researcher ng complementary medicines,

“For TCM there is no good evidence and therefore its use is not just unjustified, but dangerous,” sabi nya sa Nature journal recently.

Nagbabala naman si Yanzhong Huang, isang senior fellow for global health at the Council on Foreign Relations, sa safety and efficacy issues na bumabalot sa TCM.

Traditional Medicine Isinusulong ng China Sa Pag Gamot Ng COVID 19 5
Photo Credits: Seton Hall University

Noong buwan ng Mayo, may nai-ulat na sinuri ng Swedish authorities ang Lianhua Qingwen samples, at sinabing menthol lang ang laman nito at walang ibang pwedeng pangontra sa virus.

Diskarte lang ba ng China

Kahit na pinu-push ang Traditional Chinese Medicines, marami pa ring walang nakaka kilala nito sa labas ng China. At maraming mga Chinese din ang mas pipiliin ang modern medicines.

Traditional Medicine Isinusulong ng China Sa Pag Gamot Ng COVID 19 6
Photo Credits: blog.dcccd

Kaya, sabi ng mga kritiko, diskarte lamang ito, para sakyan ang oportunidad na ma promote ang TCM sa ibang bahagi ng mundo, lalo ngayong may pandemya at nangangapa ang lahat.

May mga nai-ulat rin na nagpadala ang China ng mga TCM supplies sa Africa, Central Asia at sa Europe. Dagdag sa mga sumu-suporta ng TCM, wala itong mga peligrosong epekto sa katawan kaya ligtas kung gagamitin.

Traditional Medicine Isinusulong ng China Sa Pag Gamot Ng COVID 19 7
Photo Credits: BBC

Pero ayon kay Mr. Huang, naniwala sya na ang pag promote ng China ng TCM sa abroad, ay isa sa mga diskarte ng bansa para makalamang sila.

“The government narrative that portrays TCM as being effective against COVID-19 also serves to promote the superiority of China’s anti-Covid approach, at a time when Western approaches appear to be ineffective in containing the spread of the virus.”

Rekomendado ng WHO

Namayagpag ang TCM noong nakaraan taon, pagkatapos kinilala ng WHO (World Health Organization) ang umanoy kahalagahan nito sa pag gamot ng COVID 19.

Traditional Medicine Isinusulong ng China Sa Pag Gamot Ng COVID 19 8
Photo Credits: The Atlantic

Pero umani ng pag batikos ang organisasyon mula sa mga medical community sa mundo. Lalo pang ginisa ang WHO, pagkatapos naman nitong tanggalin ang babala sa pag gamit ng TCM bilang pang gamot sa COVID-19.

Sangkot sa illegal na bentahan ng wild animals

Nasasangkot ang TCM sa illegal na bentahan ng mga wild animals sa mundo. Ang China’s National Health Commission ay binatikos sa rekomendasyon nila na ang  apdo ng oso o ang bear bile powder ay gamot para sa COVID 19.

Sa Wuhan wet market, kung saan sinasabi na nagsimula ang COVID 19 virus, ay may mga nag bebenta ng mga magka halong buhay at karne ng mga wild animals. Dahil sa pinaniwala na nakakagamot ang mga ito.

Traditional Medicine Isinusulong ng China Sa Pag Gamot Ng COVID 19 9
Photo Credits: Nytimes

Ikinabahala ng mga wildlife conservationists ang pag sulong ng TCM, dahil lalong dadami ang illegal na bentahan at pagpapapuslit ng mga wild animals sa iba’t ibang parte sa mundo.

Traditional Medicine Isinusulong ng China Sa Pag Gamot Ng COVID 19 10
Photo Credits” Vuim

Sab ni Dr. Lixing Lao, honorary professor at the University of Hong Kong’s School of Chinese Medicine sa BBC.

“Even if these endangered species have some treatment value, we should use botanical products as alternatives in the TCM practice.”

Patuloy na kinontra

Noong Marso, sa Yunnan province, kinondena pagkatapos pinilit ang mga estudyante na uminon ng tradinal medicine, bago bumalik sa eskwela. At may mga nag react din sa online, sa batas na papatawan ng parusa ang sinumang nang lalait sa TCM.

Traditional Medicine Isinusulong ng China Sa Pag Gamot Ng COVID 19 11
Photo Credits: RFA

May isang netizen ang nag sabi na,

“Science can stand up to questioning. Traditional Chinese medicine cannot be questioned, so traditional Chinese medicine is not science,”

Source:BBC

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: