Press "Enter" to skip to content

Trending! Kakaibang Pagbigay Pugay Ng Mga Arabiano Sa Mga Pinoy OFW’s

Riyadh Saudi Arabia – Matapos ang sunod sunod na nag viral na video ng ginagawang pag tulong ng Vlogger na Saudi Pinoy sa mga OFW’s sa Saudi, umugong ulit ang social media matapos bigyan ng kakaibang pag pugay ng mga arabiano ang mga OFW’s na nagta-trabaho doon.

Viral Video

Sa naturang video, nagpasalamat ang mga Arabiano sa mga dakilang OFW’s sa kanilang pagmamalasakit at dedikasyon sa naturang trabaho.

Trending! Kakaibang Pagbigay Pugay Ng Mga Arabiano Sa Mga Pinoy OFW's 2

Makikita mo na kahit magkaiba man ang lahi ng Arabo at Pinoy, iginagalang ng mga ito ang mga OFW’s na matiyagang naninilbihan sa kanilang bansa lalo na ngayong panahon ng pandemya at may COVID-19.

Pag pugay sa Cleaners

Dagdag pa dito, sinabi ng Saudi Pinoy na vlogger na madalas magpasalamat ang mga tao sa mga doctor at nurses na frontliners, ngunit kailanman ay hindi niya narinig na may nagpasalamat sa mga cleaners.

Trending! Kakaibang Pagbigay Pugay Ng Mga Arabiano Sa Mga Pinoy OFW's 3

Ani niya,

“Hello kabayan, Covid-19 is taken all over the world pero all we can hear is thank you doctor, thank you nurses and they deserved that.”

Dagdag pa niya,

“But why is it we cannot say and hear, thank you cleaners? Cleaners working in the hospital are also frontliners. They are working hard to keep the hospital clean. So why not say also thank you cleaners.”

Simpleng handog

Kaya naman naisipan ng vlogger na gumawa ng maiksing video para ipakita ang pagpapahalaga sa mga hospital cleaners. Bukod pa dito, naghanda din ang Saudi Pinoy ng bulalo coupon na may kasamang rosas kung saan kaniyang ipinamigay ito sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa hospital.

Umaasa siya na sa simpleng pamamaraan ay mapa-abot niya at ng kapwa mga Arabiano ang kanilang lubos na pasasalamat sa mga frontliners lalo na sa hospital cleaners dahil sa kanilang dedikasyon at serbisyong ginagawa.

Are hospital cleaners forgotten “Heroes” in this covid 19 Pandemic? #CleanersCapes #OFW #SaluteAllCleaners #SaudiPinoy 🇵🇭🇸🇦🌹

Are hospital cleaners forgotten “Heroes” in this covid 19 Pandemic? #CleanersCapes #OFW #SaluteAllCleaners #SaudiPinoy Special thanks to Lapaz Batchoy Restaurant 🇵🇭🇸🇦🌹

Posted by TheSaudipinoy on Saturday, May 30, 2020
Salue To All Nurses. #ThankYouOFWnurses ❤️🙏

Small Things For Great Heroes ~ #SaluteToAllNurses 👩🏻‍⚕️ 👨🏽‍⚕️ #ThankYouOFWNurses .. #SaudiPinoy 🥰🇵🇭🇸🇦❤️

Posted by TheSaudipinoy on Saturday, March 28, 2020

Source: TheSaudipinoy

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: