Press "Enter" to skip to content

Trending! Lasing Na Babae, Nag Amok Sa Isang Beach Resort

Last updated on June 20, 2020

Nag viral ngayon sa social media ang video na kung saan makikita ang isang babaeng naka swimsuit na lasing at nag-aamok sa mga katabi nitong nangungupahan ng cottage sa isang beach resort.

Ang pangyayari

Sa naturang video, kapansin pansin ang pasuray-suray na babae habang ito’y nang-aamok sa mga naka-upo sa isang cottage. Bagama’t pilit ng pinag sasabihan ang naturang babae na tumigil na ito, ay patuloy pa din siya sa kaniyang ginagawa.

Trending! Lasing Na Babae, Nag Amok Sa Isang Beach Resort 2

Ani ng lasing na babae,

“Sino ako, hindi mo ako kilala? Hindi nyo ako kilala? Akin to na area! Sino kayo?!”

Trending! Lasing Na Babae, Nag Amok Sa Isang Beach Resort 3

Kahit na inaawat na siya ng isa pang babae, patuloy pa rin ito sa pag aamok sa lalakeng naka blue na naka-upo lamang sa cottage. Hindi pa ito nakuntento sa pang bubulyaw, pinag sisipa pa nito ang mga bote ng alak na nasa gilid lamang ng nasabing cottage.

Pag-tawag ng saklolo

Dahil sa ginagawa nitong iskandalo ay minaigi ng mga tao doon na tumawag na ng pulisya para hulihin ang ginagawa ng lasing na babae. Makikita din sa video na ilang beses ng pinilit yakapin ng babaeng naka blue para ito’y pakalmahin ngunit lalo itong nagalit at itinulak pa ang nag-aawat sa kaniya.

Trending! Lasing Na Babae, Nag Amok Sa Isang Beach Resort 4

Dagdag pa ng lasing na babae,

“Hindi nyo ako kilala. Area ko to! Teritoryo ko to. Sino kayo? AKin to! Sigurado kayo na hindi ko to area? Baka gusto ninyo mapahiya sa mga pinag sasabi ninyo. Wag nyo ako awatin. Sino ako? Di nyo ako kilala?”

Trending! Lasing Na Babae, Nag Amok Sa Isang Beach Resort 5

Sa sobrang lakas ng impluwensya ng alak ay tila hindi na alam ng lasing na babae ang kaniyang mga sinasabi. Kita din sa video na kamuntikan na siyang mahubaran ng saplot ngunit wala siyang paki-alam sa kaniyang ginagawa o pinag sasabi.

Pag-awat

Sa patuloy nitong pag-aamok at pang sasaboy ng buhangin sa mga tao doon ay minabuti na lamang ng lalake na kaniyang inaamok na lumayo. Habang ang babae na naka blue naman ay patuloy pa din na pinapakalma at inaawat ang lasing na babae.

Trending! Lasing Na Babae, Nag Amok Sa Isang Beach Resort 6

Sigaw pa ng lasing,

“Kaya kita! Kahit lalake ka pa! Kaya kita. Di mo ako kilala? Akin to na area na ito!”

Sa sobrang pag mamatigas ng lasing ay napa-subsob na ito sa buhangin habang nahatak naman niya ang babaeng naka blue dahilan para ma-korner ito at mahawakan sa mga braso hanggang sa hindi na ito nakapalag pa.

Trending! Lasing Na Babae, Nag Amok Sa Isang Beach Resort 7

Sa huli ay may dumating na naka puting lalake na kakilala ng lasing na babae at pinauwi na ang lasing.

Samantala, hindi pa matukoy ang pinag simulan ng nasabing alitan at dahilan ng pag-aamok ng lasing na babae. Umani naman ng 16 thousand shares at 9.1 million na views ang nag trending na video.

Narito ang kabuuhan ng nasabing video:

https://web.facebook.com/Pinoysaudivines/posts/310313823709269?__tn__=R

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: