Press "Enter" to skip to content

Trending! Lola, Binilhan Ng Selpon Ang Apo Para Gamitin Sa E-learning Class

Manila, Philippines – Isang mag lola ang nag viral online matapos kumalat ang larawan nilang dalawa ng kaniyang apo habang binubuksan ang bagong selpon sa isang sulok ng istablisimyento.

Bagong selpon ni apo

Naantig ang maraming netizens sa larawan ng isang lola na masayang nanonood sa kaniyang apo na excited naman sa pag bukas ng kaniyang bagong selpon habang naka upo sa isang sulok ng hagdanan ng isang mall.

Kinunan ng larawan ng isang concerned citizen na si John Mico Tan ang mag lola habang siya ay nag hihintay ng kaniyang order sa parehong mall. Ayon kay John, naalala daw kasi niya ang kaniyang mga lola kaya kinuhaan niya ng litrato ang mag lola para i-share sa mga kaibigan.

Trending! Lola, Binilhan Ng Selpon Ang Apo Para Gamitin Sa E-learning Class 2
Photo Credits: ABS-CBN

Ani niya,

“Napangiti ako sa bata, tsaka kay nanay na tuwang tuwa na para bang nagkaroon ng bagong laruan. Napakita naman ni Nanay kung paano niya kamahal ang kaniyang apong lalake.”

Pag viral ng larawan

Ang madaming tagpo, mabilis na nag viral. Kwento pa ni John, ipinost niya ito sa kaniyang Facebook at nag tanong siya kung sino man nakaka kilala sa mag lola dahil gusto niya tumulong. Kaya naman may mga naka kita at natuntun nga kung saan nakatira ang mag lola.

Trending! Lola, Binilhan Ng Selpon Ang Apo Para Gamitin Sa E-learning Class 3
Photo Credits: GMA Network

Si Lola Emma Monta, 63 anyos na nag titinda ng mga gulay sa palengke katuwang ang kaniyamg apo na si Kevin, 12 anyos. Sila ay nakatira sa maliit na barong-barong sa Muntinlupa City.

Ani ni Lola Emma,

“Nag titinda lamang ho ako sa palengke para may mapa kain sa aking mga apo. Eh yun ho na pinag bentahan ko, umaabot lamang sa 200 hanggang 300 pesos sa kada isang araw… yun ay binibili ko ng aming makakain.”

Si Lola Ema ang nagtataguyod sa kaniyang mga apo katuwang ang ina ni kevin. Sa loob ng maraming taon, pag hihimay ng gabi ang kanilang ikinabubuhay.

Sabi pa ni Lola,

“Minsan mabenta, minsan naman matumal ang bili ng mga gabi.”

Dagdag pa niya,

Trending! Lola, Binilhan Ng Selpon Ang Apo Para Gamitin Sa E-learning Class 4
Photo Credits: GMA Network

“Masakit ho para sakin na hindi ko mabilhan ng selpon ang aking apo. Kaya dahan-dahan ako naka ipon ng 2,500 pesos at binilhan ko siya ng pinapangarap niyang selpon.”

Regalo sa apo

Kaya daw kahapon ng sila ay maagang natapos sa pag benta ng gabi, dumiretso sila kaagad ng kaniyang apo para bumili ng selpon.

Ani pa ni Lola,

“Magaan ang kaniyang loob ng makita ang selpon. Natutuwa naman ako dahil magagamit na niya itong katuwang sa kaniyang pag-aaral. Lalo na enrollment na. Kalat na sa balita na eto daw ang gagamitin para makausap ang titser dito sa ano, sa selpon.”

Kwento pa ni Lola Emma, so sobrang tuwa ni Kevin ay nasira pa daw ang kahon ng selpon matapos dali-daling buksan ng kaniyang apo. Hindi din daw niya alam na sila ay nakuhanan ng litrato ni John at wala din daw siyang kaalam-alam na sila ay nag viral na.

Ang litratong kumalat online ay naging daan para bumuhos ang gustong tulungan ang mag lola.

Trending! Lola, Binilhan Ng Selpon Ang Apo Para Gamitin Sa E-learning Class 5
Photo Credits: GMA Network

Ani ni John,

“Madami na ho nag tatanong sakin kung papano sila Lola matulungan. Madami nag aalok na gusto makatulong. Meron gusto mamahagi ng pagkain at iba pang makatutulong sa mag lola. Meron pa nga po nag aalok na bayaran daw nila ang isamg taon na internet access ng bata para may magamit sa pag aaral si Kevin.”

Sa isang simpleng litrato, milyon-milyong pasasalamat ni Lola Ema kay John sa kaniyang ginawa.

Source: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: