Press "Enter" to skip to content

Trending Na Gurong Nagbebenta Ng Longanisa Online, Inalok Mag Turo Sa International School

Manila, Philippines – Hinangaan ng netizen ang isang guro na napilitang magtinda ng tocino at iba pa online matapos magsara ang kaniyang eskwelahan na pinapasukan dahil sa krisis na idinulot ng COVID-19. 

Pag-asa ang dulot

Matapos nga ito ipalabas ang kaniyang kwento sa isang sikat na istasyon, nag trending ito at bumuhos ang pag hanga ng mga tao kay titser Sunshine Melorin. Dagdag pa nito, may nag alok ng tulong dahilan para mabigyan siya ng bagong pag-asa sa buhay.

Trending Na Gurong Nagbebenta Ng Longanisa Online, Inalok Mag Turo Sa International School 2

Matatandaan na matapos mawalan ng trabaho nang magsara ang kaniyang pinagtuturuan na pribadong eskwelahan, napilitan si Teacher Sunshine na mag-online selling na lang para matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Bumuhos ang tulong

May ilan na nag paabot ng tulong pinansiyal at mayroon din na nag-alok na siya’y muling magturo ngunit sa isang international school sa Maynila.

Ani ni Teacher Sunshine,

“Grabe ang idinulot ng krisis ngayon kaya naman ang sarap sa pakiramdam ng may nag alok sa akin.”

Trending Na Gurong Nagbebenta Ng Longanisa Online, Inalok Mag Turo Sa International School 3

Dagdag pa niya,

“Talagang sobrang nalungkot po ako nung nagkaroon ng COVID kasi halos three to four months na po akong hindi nagtuturo. Hindi ko po talaga kayang hindi magtuto. Tapos hindi ko na nakikita yung mga students ko. Talagang nakakalungkot po.”

Pasasalamat sa biyaya

Kwento pa niya na mayroon daw na nagbigay ng tulong pinansiyal pero ilang beses daw niya itong tinanggihan. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, may isang netizen na nagpa abot ng tulong na dama rin daw ang pinagdadaanan ng isang guro.

Marami naman ang nag bigay ng mensahe at suporta kay Teacher Sunshine kaya lubos itong nagpapa-salamat.

Trending Na Gurong Nagbebenta Ng Longanisa Online, Inalok Mag Turo Sa International School 4

Ani niya,

“Maraming maraming salamat po sa mga nagbibigay po ng mga suporta, sa mga tumutulong din po. Kasi hindi po talaga biro ang yung kinakaharap po natin ngayon.”

Dagdag pa niya,

Trending Na Gurong Nagbebenta Ng Longanisa Online, Inalok Mag Turo Sa International School 5

“Hindi rin lang po teachers yung nahihirapan sa ngayon, marami po talagang nawalan ng trabaho. Ang maganda po talaga ay magtulungan lang po tayo.”

Sa ngayon ay pinag iisipan pa ni Teacher Sunshine ang alok na ibinigay sa kaniya ng isang international school.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: