Press "Enter" to skip to content

Trending! Vitamins Na Bigay Sa Isang Bayan, Vetsin Daw Ang Laman?

Kumakalat ngayon sa social media ang isang post patungkol sa ibinigay na vitamins ng lokal na pamahalaan sa kanilang mga residente. Ayon kasi sa reklamo, hindi tunay na vitamins kundi vetsin ang laman ng kapsula.

Vetsin ang vitamins

Ayon sa Facebook post ni Shandymarlybareta Bugaay, residente ng San Jose del Monte, ang nasabing vitamins na may brand name na Cigla-Kas ay kasama sa ayudang ibinigay ng kanilang lokal na pamahalaan. Ipinakita niya ang larawan ng isang bukas na kapsula na ang laman ay tila may hawig nga sa vetsin. Upang kumpirmahin, tinikman umano ni Bugaay ang nasabing pulbos at lasa nga umano itong vetsin.

Trending! Vitamins Na Bigay Sa Isang Bayan, Vetsin Daw Ang Laman? 2

Dahil dito, galit na galit si Bugaay sa mga opisyal ng kanilang lokal na pamahalaan. Aniya, huwag naman sana silang bigyan ng gamot na tila siyang papatay sa kanila. Minura rin niya ang mga ito dahil aniya ay gusto pa nilang mabuhay. Nanawagan din siya sa pamahalaang nasyonal na sana ay ma imbestigahan ang insidente.

Pangamba ng mga residente

Dahil dito, maraming residente ang nangamba para sa kanilang kalusugan. Lalong lalo na ‘yung mga nakainom na nito ng maraming beses. Hindi maiwasan ng iba na isipin na tila sadya silang unti unting pinapatay ng nasabing bitamina.

Trending! Vitamins Na Bigay Sa Isang Bayan, Vetsin Daw Ang Laman? 3

Nakarating naman sa tanggapan ni Mayor Arthur Robles ng lungsod ng San Jose del Monte na siyang pinatutungkulan ng reklamo ni Bugaay. Agad itong nagbigay ng opisyal na pahayag sa kanyang Facebook page upang bigyan linaw ang issue.

Paliwanag ni mayor

Ayon kay Mayor Robles, ang nasabing vitamins ay may generic name na Sodium Ascorbate at ito ay ipinamamahagi kasama ng iba pa nilang mga ayuda. Ang vitamins na ito ay lehitimo at rehistrado ito sa Food and Drug Administration sa ilalim ng product registration number DRP-1752.

Upang magbigay pa ng karagdagang patunay, pinagkumpara umano ng isang licensed pharmacist na si Mark Anthony Sta. Maria ang vetsin at Sodium Ascorbate sa pamamagitan ng Povidone Iodine Test of Vitamin C. Lumabas sa pagsusuri na tunay na bitamina ang laman nito at hindi vetsin gaya ng bintang ni Bugaay.

Sa huli, nagbigay ng pagtitiyak si Mayor Robles sa pagiging ligtas at epektibo ng kanilang ipinamamahaging mga bitamina sa lahat ng residente ng San Jose.

Source: Shandymarlybareta Bugaay

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: