Press "Enter" to skip to content

Tribal War: Ano Nga Ba Ang Puno’t Dulo?

Kalinga, Philippines – Tumitindi ang hidwaan sa pagitan ng dalawang tribo sa Kalinga at karatig bayan ng Sadanga. Ang hinihinalang ugat ng gulong ito ay mayroong kinalaman sa boundary dispute ng kanilang nasasakupan.

Pagpaslang

Isang ka-tribo ng Betwagan ng Sadanga, Mountain Province ang namatay kamakailan matapos barilin ng mga di pa nakikilalang suspek. Ani ni Colonel Davy Limmong, provincial director ng Kalinga Provincial Police Office o KPPO na ang mga suspek ay mula sa tribo ng Botbot-Bugnay mula sa Tinglayan, Kalingan.

Tribal War: Ano Nga Ba Ang Puno't Dulo? 2
Photo Credit: Facebook – Invisible Photographer Asia

Nakikipagugnayan ngayon ang pulisya ng Kalinga sa Mountain Province Provincial Police Office o MPPPO upang matukoy ang mga suspek. Isang joint investigation ang naitayo upang mabigyan ng solusyon ang naturang kumplikasyon.

Hidwaan

Sinasabi ni Sandanga Mayor Gabino Ganggangan na ang kaguluhang ito ay sa kadahilanang pag-aaway ng dalawang tribo sa kanilang sinasaklaw. Dagdag din ni Ganggangan na kailangan munang humupa ang sitwasyon bago sila makikipag-ugnayan sa dalawang tribo para sa ihahaing peace pact.

Tribal War: Ano Nga Ba Ang Puno't Dulo? 3
Photo Credit: Google Images

Dagdag ni Colonel Homer Penecilla ng MPPPO na magpapadala sila ng karagdaganag pulisya para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lugar. Sinabi din ni Penecilla na maliban sa pangyayaring ito ay nasa-ayos ang lahat.

Puno’t Dulo

Ilang mga netizens ang nagbigay ng kanilang sentyimento ukol sa isyu na ito. Ani ni Joel Alunday na matagal na ang pag-aaway na ito at maraming buhay na ang naisakripisyo ng walang saysay.

Sinasabi din ng ibang netizen na alam ng pulisya at mga militar ang ukol sa kaguluhang ito. Mas pinipili na lamang nila umano na manahimik sa isyu na ito sa kadahilanang mas kailangan na maresolba ng dalawang tribo ang kanilang hidwaan.

Pagpapalawak

Marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang saloobin kung ano ang mga pangunahing sanhi ng gulong ito. Sinasabi ng iba na isang tribosa dalawang tribo ang tanging nagdudulot ng gulo.

Tribal War: Ano Nga Ba Ang Puno't Dulo? 4
Photo Credit: Facebook – Bugnay, Tinglayan, Kalinga

Ani ni Makmak Sony,

“Kayong nag ko-coment dito wala ka yong paki-alam at wala kayong alam sa issue. Dapat alam ninyo na ang historical background ng taga- Betwagan saka kayo mag-comment sa issue na ito. Higit sa lahat taga-Bugnay ang dahilan kung bakit may ganitong tribal war na nangyari. Sapagkat gusto kasi ng taga-Bugnay na mapalawak ulit ang kanilang nasasakupan kung saan gusto nilang umagaw muli. Sa katotohanan ang lupa ng natitirahan ng taga bugnay ay ari-arian ng taga Betwagan”

Sa ngayon ay madaming haka-haka kung ano nga ba ang dahilan sa nangyaring pagpaslang na ito. Ani ng joint force operation mula sa KPPO at MPPPO ay hinihintay muna na humupa ang alab sa dalawang grupo para sa mas maayos na pagsasagawa ng imbestigasyon.

Basahin ang buong kwento sa Sun Star

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: