Press "Enter" to skip to content

Tricycle Sa Pasig, Balik Pasada Na Sa Lunes – Mayor Vico

Simula sa Lunes, May 18, ang mga tricycle sa Pasig City ay puwede ng pumasada ulit. Ito ang pahayag ni Mayor Vico Sotto sa gitna ng paglipat ng Metro Manila sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Magandang balita

Sa kanyang Facebook account, ipinahayag ni Mayor Sotto ang magandang balita.

“Good news! Inaprubahan na ng DILG ang Pasig LGU guidelines para sa operations ng mga tricycle,” ayon sa post.

Aniya, “Isa pa rin sa pinaka malaking hamon sa ating pamahalaan ngayong transisyon papuntang MECQ ang pampublikong transportasyon. Ang pinaka mahalaga pa rin siyempre ang pagpapanatili ng Social Distancing.”

“Pero sa susunod na mga araw, maraming magbubukas na negosyo, pero magkukulang ang transportasyon.

Tricycle Sa Pasig, Balik Pasada Na Sa Lunes - Mayor Vico 2
Photo Credit: ABS.CBN

“Magiging malaking tulong ang mga tricycle para masolusyonan ang kakulangan sa mobilidad ng mga empleyadong Pasigueño sa paraan na may social distancing pa rin,” dagdag pa niya.

Mga panukala

Ang mga tricycle ay maaring pumasada mula alas 5 ng umaga hanggang hatinggabi bilang pagsunod sa mga sumusunod na guidelines:

  • Isang pasahero kada tricycle lamang (Exception: Kadahilanang medikal kung saan may kasamang alalay ang pasyente);
  • May harang sa pagitan ng driver at pasahero;
  • Kailangan i-disinfect ang tricycle ng di bababa sa dalawang beses sa isang araw (magbibigay ng disinfectant ang City Hall sa mga TODA); at
  • Maaaring bumiyahe ang private tricycles, basta’t may sign na “Not For Hire.” Isang pasahero lang din ang pinapayagang sumakay.
Tricycle Sa Pasig, Balik Pasada Na Sa Lunes - Mayor Vico 3
Photo Credit: Pasig PIO

Sinabihan din ng city government ang mga operator at driver ng tricycle na makipag-ugnayan sa kani-kanilang asosasyon at regulatory offices.

Naunang apila

Nauna ng umapila si Mayor Sotto nuong Marso para makapagpatuloy ang operasyon ng mga tricycle para maghatid-sundo sa mga frontliners. Ang panawagan ay ginawa ng isailalim ang Metro Manila sa strict lockdown na nakaapekto ng malubha sa transportasyon.

Hindi pinayagan ng DILG ang apila ni Sotto na huwag isali ang tricycle sa “ban on public transportation vehicles.” Walang nagawa ang alkalde kung hindi sumunod sa utos ng national government.

Tricycle Sa Pasig, Balik Pasada Na Sa Lunes - Mayor Vico 4
Photo Credit: Facebook-Pasig Transport

Upang matugunan ang hinaing ng mga frontliners na naglalakad sa pagpasok at pag-uwi, ang pagbibisekleta na lang ang ginawang alternatibo ni Mayor Sotto. Kumalap siya ng donasyon upang makaipon ng mga bisekleta na pinagamit sa mga frontliners bilang service.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: