Press "Enter" to skip to content

Truck Driver, May Espesyal Na Regalo Para Sa Anak

Umani ng samu’t saring papuri mula sa mga netizens ang ginawang sakripisyo ng isang ama upang mabigyan ng regalo ang kaniyang anak sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo.

Ang mapagmahal na ama

Si Edwin Bayson, 50-anyos mula sa bayan ng Carmona, Cavite, ay nag-ipon ng pambili ng cellphone para sa kanyang anak na si Derwin. Isang truck driver si Edwin at inabot siya nang apat na buwan para maka-ipon ng 5,600 piso.

Truck Driver, May Espesyal Na Regalo Para Sa Anak 2
Photo Credit: Edwin Bayson

“Sobra akong natuwa kasi matagal nang walang cellphone ‘yung anak ko, siguro mga anim na taon na wala talaga siyang cellphone kaya sabi ko noon, ‘pagiipunan ko anak ko para kahit anong cellphone mabili ko.’ Napakasaya ng pakiramdam,”

Ang maswerteng anak

Si Derwin ay nakapagtapos ng kursong two-year applied engineering at ani ni Edwin mahilig ang kaniyang anak na gumawa ng mga video blogs. Ngunit dahil wala siyang sariling cellphone, nakikigamit lang umano si Derwin ng cellphone ng kaniyang mga kaibigan.

Truck Driver, May Espesyal Na Regalo Para Sa Anak 3
Photo Credit: Edwin Bayson

Bukod sa paggawa ng video blogs, dagdag din ni Edwin na magagamit ng kaniyang anak ang bagong cellphone sa paghahanap ng trabaho.

Reaksyon ng mga netizens

Kinatuwa at kinaantigan ng mga netizens ang post na ito tungkol kay tatay Edwin. Ani ng isang netizen,

“Truly a ‘father’s day’ reminder that not all heroes wear capes! Bless you at advance Happy Father’s day po, Tatay!”

Isa pang netizen ang nagsabi,

“Wow! Gagawin talaga ng tatay ang lahat para sa anak. Iba talaga ang pagmamahal ng tatay. Uunahin ka nila bago ang sarili nila. Basta meron ka kahit wala sila. Sana gawin din ang lahat ng anak para sa kanyang tatay.”

Truck Driver, May Espesyal Na Regalo Para Sa Anak 4
Photo Credit: Edwin Bayson

Ilan sa mga netizens din ang nagbigay ng kanilang mga mensahe para sa anak na si Derwin. Isa rito ay:

“Boy, take good care of that thing and most especially use that to help you. It’s such a blessing to have someone who sacrifice their own needs to provide for us. God bless you tatay!”

Sa kasalukuyan, ang post na ito ay mayroon ng 48K na reactions, 978 comments and 2.4K na ang nag-share.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: