Press "Enter" to skip to content

Tubig!!! Netizens, Dismayado Sa Late Water Service Advisory Ng Maynilad!

Matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses sa Kamaynilaan at iba pang karatig probinsya, sumunod naman na naging problema ng marami ang madalas na pagputol ng water service ng Maynilad.

Water interruption

Kasunod ng pananalasa ng bagyo ay ang pagputol ng warer service ng Maynilad sa napakaraming lugar sa Maynila noong nakaraang Linggo. Ito ay bunsod sa turbidity o paglabo ng tubig sa dam. Ang interruption ay tumagal ng higit isa o dalawang araw. Maraming netizen ang nagpabatid ng pagkadismaya dahil kung kailan kailangan makapaglinis sa mga lugar na binaha ay doon pa nawalan ng serbisyo ng tubig.

Tubig!!! Netizens, Dismayado Sa Late Water Service Advisory Ng Maynilad! 2

Turbidity

Ngunit ngayong araw ay muli na namang nag-anunsyo ang Maynilad na muling mapuputol ang kanilang serbisyo sa milyon-milyong kostumer nila dahil sa turbidity ng raw water sa Angat at Ipo Dam. Ang ilang syudad na inanunsyo na mawawalan ng tubig nitong umaga ay nadagdagan pa ang listahan ngayong hapon lamang.

Sa isang post ng Maynilad sa kanilang Facebook page,

“PAUNAWA:

Nobyembre 17, 2020

Nagsimula ang muling pagtaas ng turbidity o paglabo ng raw water na nagmumula sa Angat Dam at Ipo Dam at pumasok sa aming mga planta kaninang umaga.”

Kalidad ng tubig

Kalakip ng post ay ang larawan ng kalidad umano ng tubig na syang pumapasok sa La Mesa Treament Plants. Sa mga larawan ay makikita ang halos kulay putik na tubig. Bunsod nito, kinailangan umano ng Maynilad na bawasan ang produksyon ng tubig upang masiguro ang kalidad ng tubig na dadaloy sa ating mga gripo.

Tubig!!! Netizens, Dismayado Sa Late Water Service Advisory Ng Maynilad! 3

“Dahil dito, kinailangan namin muling bawasan ang water production upang masigurong maayos pa rin ang kalidad ng tubig na inyong natatanggap. Kasalukuyang nakakaranas ng emergency water service interruption ang ilang customer namin dahil dito.”

Payo ng Maynilad

Payo nito, magipon o magigib ng tubig para sa mga lugar na maaapektuhan.

“Pinapayuhan ang aming mga customer na i-monitor ang aming Facebook page para sa update ng schedule ng service interruptions. Mag-ipon na ng sapat na tubig sakaling available ang supply sa inyong lugar.”

Late notice

Reklamo naman ng netizens ay ang late notice ng Maynilad ukol sa pagpapatigil ng serbisyo ng tubig. Anila, bago pa man inanunsyo nito sa social media ang water advisory ay pinutol na nito ang daloy ng tubig. Marami ang dismayado sa naging aksyon ng kumpanya na syang nangyari rin matapos ang pagdagsa ng bagyong Ulysses.

Source: Maynilad Water Service, Inc.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: