Press "Enter" to skip to content

‘Tulong, Hindi Na Kami Safe Dito’ Hikbi Ng OFW Matapos Ang Pag Sabog Sa Lebanon

Beirut, Lebanon – Dahil sa ngyaring pag sabog, nag dulot ng trauma ito sa isang biktima na isang OFW matapos ito mag tamo ng matinding sugat sa ulo at sa katawan. Nagmamakaawa ito sa Embahada ng Pilipinas na sana siya ay matulungan makauwi na sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Pag sabog

Sa kaniyang unang bahagi ng video, ibinahagi ni Ursula Buenavista Guera ang natamong mga sugat sa ulo at katawan. Ayon pa kay Ursula, dahil sa dami ng tao sa hospital pinilit na lang niyang umuwi dahil di siya maasikaso doon.

'Tulong, Hindi Na Kami Safe Dito' Hikbi Ng OFW Matapos Ang Pag Sabog Sa Lebanon 2
Photo Credit: Pinas Balita

Aniya,

“Sa sobrang dami ng tao na sugatan, hindi na nila ako napapansin. Dagsaan sila. Kaya umuwi ako, lumabas ako. Ni lakad ko pauwi ng bahay dahil di na nila ako maasikaso. Nag lakad nalang ako dahil sabi ko meron naman kami gamot dito sa bahay.”

'Tulong, Hindi Na Kami Safe Dito' Hikbi Ng OFW Matapos Ang Pag Sabog Sa Lebanon 3

Habang sinasambit niya iyon ay di rin matigil si Ursula sa pag punas ng tumutulong dugo sa kaniyang ulo.

Pag hingi ng saklolo

Dahil sa ngyaring pag sabog at sugat na natamo, tumawag agad si Ursula sa embahada para humingi ng tulong. Sa kaniyang ibinahaging video, makikita na may kausap ito sa kabilang Libya ng telepono.

Sambit niya,

'Tulong, Hindi Na Kami Safe Dito' Hikbi Ng OFW Matapos Ang Pag Sabog Sa Lebanon 4

“Okay lang ako. Masakit lang ulo ko at sugat ko. Opo, na gamot na din po kaso umuwi na ako dahil di nila ako maasikaso doon. Sige po hintayin ko po.”

Panawagang makauwi

Matapos ang ngyari nanawagan si Ursula sa embahada ng Pilipinas na kung maari ay Pauwiin na siya at ang kaniyang kasama dahil hindi na nila kaya. Takot na din umano sila sa nangyari.

Ani pa nito,

'Tulong, Hindi Na Kami Safe Dito' Hikbi Ng OFW Matapos Ang Pag Sabog Sa Lebanon 5

“Please po sana makauwi na kami kasi hindi na namin alam ano mangyayari samin. Sa ngyari, parang hindi na kami safe. Gusto na namin makauwi.”

Dagdag pa niya,

“Sarado ang Lebanon ngayon at Pilipinas dahil sa pandemya, sarado ang boarder pero gusto na po namin umuwi. Sana makauwi na kami. Kahit po kami na lang ang mag bayad ng ticket namin, makauwi lang kami. Hindi na kami safe dito.”

'Tulong, Hindi Na Kami Safe Dito' Hikbi Ng OFW Matapos Ang Pag Sabog Sa Lebanon 6

Sa ngayon ay hinihintay pa ni Ursula ang pag dating ng mula sa embahada ng Pilipinas para siya ay ma-access at masamahan na madala sa hospital. Umaasa naman ito na sana ay makauwi na silang dalawa ng kaniyang kasama sa Pilipinas at dinggin ng Embahada ang kaniyang panawagan.

Source: Ursula Buenavista Guera

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: