Press "Enter" to skip to content

Tulong! Misis, Lumapit Kay Idol Raffy Para Mahanap Ang Mister Na Itinatago Ni Kabit

Lumapit sa tanggapan ng Raffy Tulfo In action ang isang misis para mabawi ang kaniyang mister na ayaw pakawalan at itinatago umano ng kaniyang kabit. Dagdag pa niya, ramdam daw nila ang takot ng kaniyang mister sa tuwing makakausap nila ito sa telepono.

Tinatakot ni kabit

Ayon sa misis na si Madeline Isidro, tumawag sakaniya ang kabit na si Erlita Mazo, para sabihin na siya na raw ang bagong asawa ng kaniyang mister na si Raymond Isidro. Nang hiniling ni Madeline na makausap ang kanyang mister, pinayagan naman daw ito ni Erlita ngunit naka-loudspeaker ito.

Tulong! Misis, Lumapit Kay Idol Raffy Para Mahanap Ang Mister Na Itinatago Ni Kabit 2

Nang tanungin ni Madeline ang kaniyang mister kung ano ang nangyari at sinabihan niyang umuwi na ito sakaniya, hindi umano sumasagot ang mister. Kung sasagot man sakanilang mga tanong, napaka-hina raw ng boses nito at tila takot na magsalita. Maging sa text ay si Erlita pa rin ang sumasagot. Kung masagot man ito ni Raymond, ilang araw muna ang lilipas at binubura agad ang kanilang text. Kung kaya naman ang duda nila, hindi lang makaalis ang kaniyang mister dahil tinatakot ito ni kabit.

Hawak sa leeg

Dagdag pa ni Madeline, hindi nila alam na lahat pala ng kanilang pag-uusap ni Raymond ay naririnig ni Erlita dahil lagi itong naka-loudspeaker. Maging ang mga personal account, gamit, at pera ay hawak din umano nito. At kahit pa ang sariling ina ni Raymond na si Aida Isidro, ay sinasabing hindi makausap ng maayos ang anak.

Tulong! Misis, Lumapit Kay Idol Raffy Para Mahanap Ang Mister Na Itinatago Ni Kabit 3

Labis ang takot ngayon ng mag-byenan na si Madeline at Aida dahil hindi nila alam kung ano na nga ba ang nangyayari kay Raymond. Hindi na nila ito makontak at mali maling address ang ibinibigay sakanila kung kaya’t hindi rin ito mapuntahan.

Aksyon ni idol

Humingi naman ng tulong si idol Raffy kay Deputy Provincial Director for Operation, ng Pampanga PNP na si P/Lt. Col. John Bernard Tacdoy. Hiniling niya na mapuntahan si Erlita sa address na ibinigay sakanila ng kamag-anak nito.

Tulong! Misis, Lumapit Kay Idol Raffy Para Mahanap Ang Mister Na Itinatago Ni Kabit 4

Matapos naman ang isang oras, walang naabutan ang mga pulis sa ibinigay nilang address at napag-alaman nilang wala talagang nakatira roon. Sinubukan naman nilang magtanong tanong sa mga tao sa lugar ngunit hindi raw nila kilala si Erlita at si Raymond. Nanawagan naman si idol Raffy na makipag-ugnayan sakanilang tanggapan kung sakaling mayroon makapag-bigay ng impormasyon tungkol sa dalawa.

Panuorin rito ang video:

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: