Press "Enter" to skip to content

Tulong Na Naging Bato Pa! Marikina Hindi Pinayagan Magtayo Ng Testing Center Para Sa COVID-19

Last updated on April 1, 2020

Testing kit facility para sa COVID-19 ng Marikina City, hindi inaprubahan ng DOH, ayon sa Marikina City Mayor na si Marcelino Teodoro.

Naudlot na plano

Ayon kay mayor Marcelino Teodoro, makakatulong sana sa mabilis na paglabas ng resulta ang dagdag facility ngunit sa kasamaang palad ay naunsyame ito.Ang dahilan ng pagtanggi ng DOH sa panukalang bagong pasilidad ay dahil hindi umano ito nakapasa sa biosafety standard.

Tulong Na Naging Bato Pa! Marikina Hindi Pinayagan Magtayo Ng Testing Center Para Sa COVID-19 2
Source: Rappler
Tulong Na Naging Bato Pa! Marikina Hindi Pinayagan Magtayo Ng Testing Center Para Sa COVID-19 3

Sa proposal ni mayor Teodoro, ang buong 6th floor ng kanilang City Health Office ang ipapagamit upang makadagdag tulong sa mas dumadaming kaso ng COVID19. Nang sa gayon mas mabilis pang matugunan ang pag kuha ng test sa mga posibleng nahawaan ng nasabing virus.

Ayon pa kay Mayor kumpleto na sa gamit at mga personnel at naka set-up na ang lahat, approval na lang ng DOH ang kulang.

Cross infection

Sabi ng DOH, dapat ay malayo sa Marikina City Health Office ang proposed location upang maiwasan ang maaring “cross infection”. Ito ay para na rin sa kapakanan ng mga staff at sa buong constutition ng nasabing siyudad.

Tulong Na Naging Bato Pa! Marikina Hindi Pinayagan Magtayo Ng Testing Center Para Sa COVID-19 4

Kalakip ng sulat na ipinadala ng DOH sa City Mayor, ay ang standard requirements ng proposed floor plan at listahan ng mga equipment para sa coronavirus testing facility upang makapasa sa nasabing biosafety level 2 requirements.

Positibong pananaw

Sa kabila ng pagtanggi ng DOH sa kanyang proposal, hindi pa rin nawawalan ng pag asa si mayor Teodoro. Aniya, susundin niya nag hinihingi ng DOH para sa kanyang nasasakupan.

“Kung ito ang hinihingi ng DOH, gagawin namin ito. Gagawin natin ito dahil kailangan ng kababayan natin ito, lalo na ang mahihirap, ‘yung marginalized sector na walang access sa testing,” ani mayor Teodoro

Sa sitwasyon ngayon na tumataas ang bilang ng mga nahahawaan ng nasabing virus ay mas kailangan ng karagdagang tulong at mas mabilis na aksyon. 

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: