Press "Enter" to skip to content

‘Tulong, Siksikan Kami Sa Kwarto Kasama Ang Covid-19 Positive’ Sambit Ng OFW Na Natatakot Mahawa Sa Kasamahan Nito At Gusto Ng Makauwi Ng Bansa

Riyadh, Saudi Arabia – Nag trending sa social media ang panawagan ng isang OFW sa Saudi matapos niyang ipinakita sa video at isinawalat ang kalunos-lunos nilang sitwasyon sa loob ng kanilang tinutuluyang building.

Viral video

Sa naturang video, makikita na sa iisang kwarto ay siksikan na ang ilang mga OFW’s at lahat ay parang balisa at nalulungkot dahil sa kanilang kinakaharap na sitwasyon.

Ani pa ng nag video,

'Tulong, Siksikan Kami Sa Kwarto Kasama Ang Covid-19 Positive' Sambit Ng OFW Na Natatakot Mahawa Sa Kasamahan Nito At Gusto Ng Makauwi Ng Bansa 2

“Ayan po kabayan, puno na at siksikan na dito sa loob ng kwarto. Sa SMASCO Company po Iyan. Wala ng higaan ang mga Pilipino, siksikan na.”

Bukod sa tambak na mga maleta, malaking problema ng mga OFW’s doon ang kanilang matutulugan o mauupuan man lang habang nag hihintay ng ayuda at kaunting tulong na I-aabot sa kanila sa loob ng building.

Pinabayaan ng Ahensya

Base sa naturang post mula sa OFW Join Force, isinalaysay ng isang OFW ang kanilang kalagayan doon, ito’y matapos na pinabayaan lang sila ng kanilang ahensya at itinambak lamang sila na parang kagamitan sa iisang lugar.

'Tulong, Siksikan Kami Sa Kwarto Kasama Ang Covid-19 Positive' Sambit Ng OFW Na Natatakot Mahawa Sa Kasamahan Nito At Gusto Ng Makauwi Ng Bansa 3

Ani sa post,

“HUMIHINGI PO KAMI NG TULONG SAINYONG LAHAT NA GANITO PO ANG AMING SITWASYON SIMULA NG NAG LOCKDOWN. PINAGBABAWALAN DIN PO NILA PAG MAY TUTULONG NA IPASOK ANG PWEDE NAMIN SANANG MAKAIN KAHIT PANTAWID GUTOM MAN LANG.

Dagdag pa ng nasabing post,

“HIRAP NA HIRAP NA DIN PO KAMI DITO DAHIL SIKSIKAN SA IISANG KWARTO AT ANG ILAN SA MGA KASAMAHAN NAMIN AY MGA POSITIVE SA COVID-19.”

Bukod pa sa nasabing poattay problema ng OFW’s doon ang skedyul ng bigayan nila ng pagkain. Sa naturang post, ibinahagi ng uploaded ang kanilang hirap sa pag pila makakuha man lang ng rasyong makakain sa araw-araw.

Ani sa video,

“Ganito po ang pila ng pagkain. Kita ninyo po madaming tao. Ito po kadami at kahaba ng pila pag kuha ng pagkain. Sana matulungan ninyo kami. Kaninang madaling araw pa kami pumila, maraming tao na po.”

'Tulong, Siksikan Kami Sa Kwarto Kasama Ang Covid-19 Positive' Sambit Ng OFW Na Natatakot Mahawa Sa Kasamahan Nito At Gusto Ng Makauwi Ng Bansa 4

Ipinakita din sa video na matapos pumila ng ilang oras para makakuha ng pagkain, ang ibinigay lamang sa kanila ay dalawang maliit ng hiwa ng sinabawang manok.

Ani ng nag video,

“KUNG MAKIKITA U NAMAN PO ANG ULAM NAMIN HALOS DI SAPAT SA SOBRANG DAMI NAMIN D2 AT 8PM ANG PILAHAN INAABOT KAMI NG 11PM BAGO NAMIN MAKUHA ANG PAGKAIN.”

Panawagan ng OFW’s

Bukod tanging hiling lamang nila na sana’y makauwi na sila sa bansa at makasama na sa listahan ng mga OFWs na irerepatriate pabalik ng bansa.

'Tulong, Siksikan Kami Sa Kwarto Kasama Ang Covid-19 Positive' Sambit Ng OFW Na Natatakot Mahawa Sa Kasamahan Nito At Gusto Ng Makauwi Ng Bansa 5

Ani sa post,

“ANG GUSTO LANG NAMIN PO ANG MABIGYAN NINYO PO KAMI NG REPATRIATION NA MAKAUWI NA LNG SA AMING MGA PAMILYA SA PINAS.”

Dagdag pa sa post,

“DAHIL ANG SAHOD DIN PO NAMIN NA IBINIBIGAY LNG AY NASA 1300 RIYAL. SANA PO TULUNGAN NINYO NAMAN PO KAMI MAKAUWI NA LANG. MARAMING SALAMAT PO.”

Sa kasalukuyan, walang ibang tanging hiling ang mga OFWs kundi ang makauwi sila ng maayos sa kani-kanilang pamilya. Umaasa naman sila na sa simpleng video na iyon ay maging daan para sila ay matulungan sa kanilang sitwasyon sa loob ng nasabing establisimyento.

Posted by OFW JOIN FORCE – Ang Boses At Kakampi Ng Mga OFW on Thursday, July 2, 2020

Posted by OFW JOIN FORCE – Ang Boses At Kakampi Ng Mga OFW on Thursday, July 2, 2020

Posted by OFW JOIN FORCE – Ang Boses At Kakampi Ng Mga OFW on Thursday, July 2, 2020

Source: OFW JOIN FORCED – Ang Boses At Kakampi Ng Mga OFW

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: