Tuloy Ang Kaso! Idol Raffy Tinulungan Si Kuya Balloon Vendor Na Niliyaban Ng Mga Tambay

Kahapon lang, nagviral ang isang video kung saan makikita ang mga tambay na kabataang lalaki na kinawawa ang isang balloon vendor na nagpapahinga lang naman sa tabi ng daan.

Idol to the rescue

Maraming tao ang nagtag at nagmessage sa himpilan ng Raffy Tulfo in Action upang maabutan ng tulong ni idol ang kawawang vendor.

Napagalaman na nagtamo ng matitinding sunog sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang vendor at kasalukuyang nagpapahinga.

Pagpapasalamat

Nagpasalamat si Idol sa LGU ng Mandaluyong dahil sila ang nagdala sa ospital kay Oliver Rosales nang makita nila ang sinapit niya.

Ayon sakanya, sa Maynila nangyari ang pantitrip sakanya, pero sa Mandaluyong siya nakatira. Nakuha niya pang makauwi, kaya naman nagpasalamat si Idol sa agarang aksyon ng LGU.

Nadaan sa awa

Nagkwento naman si Oliver, ayon sakanya, apat na taon na daw siyang nagbebenta ng lobo sa lugar na yun. Hinahayaan lang naman daw siya ng Mayor at ng mga tao dun kahit pag nagpahinga siya sa gilid.

Unang beses palang nangyari sakaniya yan nang napagtripan siya. Subalit noong nakaharap daw niya sa baranggay na parang maamong tupa at iyak ng iyak mga magulang nila, naawa naman daw ito at tinanggap ang tulong na inabot nila.

Tuloy Ang Kaso

Subalit hindi pabor si Idol sa pagtanggap ng areglo ni Oliver. Kaya sabi niya, siya na bahala magabot ng tulong upang hindi na ito matukso uli.

Nabanggit ni Oliver na nabigyan na pala siya ng 17500 pambayad sa danyos at perwisyo na sinapit niya. Sabi naman ni Idol, dodoblehin o titriplehin pa daw niya ito para maisampal ni Oliver sakanila ang pera na binigay nila, wag lang daw itigil ni Oliver ang kaso.

Si Idol ang magbibigay ng pera upang ibalik niya ang pera sa mga magulang, para matuloy ang kaso.

Panoorin ang video dito:

Source: YouTube

Leave a Reply

Your email address will not be published.