Tuloy Ang Kaso! Sadistang Amo, Halos Himatayin Sa Paghingi Ng Tawad Sa Pinagmalupitang Kasambahay

Inilabas na ng Youtube account ng Raffy Tulfo In Action ang Part 3 ng reklamong pagmamaltrato ng among si Trifona Salma sa kanyang mga kasambahay na sina Nanay Angelina Tubia at anak na si Rea Tubia.

Basahin ang dalawang naunang parte dito:

Part 1 – Sadistang Amo Di Malaman Kung Sa Selda O Mental Nababagay Dahil Sa Kalupitan

Part 2 – Hindi Mapigilan Ni Idol Di Mapaiyak Sa Sinapit Ng Mag-Ina Sa Malupit Na Amo

Crocodile tears

Umiiyak at halos naninikip ang dibdib ni Trifona habang pilit na niyayakap ang mga dating kasambahay na sila Nanay Angelina, Rea, at ang pamangkin nito na si Angelo Pebida.

Bagaman tila matindi ang pinapakitang paghihinagpis ng matanda ay napansin ni Raffy Tulfo na tila walang luha si Trifona.

Kaya naman naging kwestyunable para rito ang sinceridad ng paghihingi ng tawad ng nirereklamo.

Tuloy ang kaso

Una nitong niyakap si Nanay Angelina na syang naging matatag sa kanyang desisyon na ituloy ang kaso at hindi magpadala sa mga salita ng kanilang inihahablang amo. Aniya grabe ang pinagdaanan nila mag-ina mula sa kamay at pamilya nito.

Sa kabilang banda ay ibinaling naman ni Trifona ang paghingi ng tawad sa dalagang si Rea na syang naging matibay din sa kanyang desisyon na kasuhan at mapakulong ang dating amo.

Sa huli ay kay Angelo naman ito nanatili at nanghingi ng tawad ngunit tila mailap ang pagkakataon para kay Trifona dahil lubos ang galit sakanya ng pamangkin.

Pangako ni sir Raffy

Dahil sa kapansin-pansin na tila hindi makahinga ng maayos si Trifona ay minabuting dalhin ito sa clinic. Sa kabilang banda, kinupkop muna ng team ni Raffy ang mag-ina.

Pansamantalang nakatira ang mga ito sa isang ligtas na lugar habang inilalaban nito ang kaso. Pangako ni Raffy, bibigyan nito ng bahay at negosyo si Rea kapag natapos na ang kaso upag hindi na ito mamasukan.

Galit ng netizens

Lubos ang galit ng mga netizen sa diumano ay sadistang amo. Pilit ng mga ito, tuloy ang kaso at dapat mapakulong ang malupit na si Trifona.

Kaugnay pa dito ay damay din sa ihahain na kaso ang mga anak ni Trifona na ayon sa mga biktima ay may involvement din sa pisikal na pananakit sakanila.

Sadistang amo

Matatandaang nanghingi ng tulong ang mag-ina na sina Nanay Angelina at Rea sa Raffy Tulfo upang makamit ang hustisya mula sa pangmamalupit ng kanilang amo.

Ayon kay Rea, hindi lamang kurot ang natatamo nito kay Trifona bagkus ay inuuntog nito ang ulo sa pader, tinatanggalan ng kuko, hinahampas ng arnis, ginugupit ang tenga, at tinutusok ang maselang bahagi.

Panoorin ang video dito:

Source: YouTube

Leave a Reply

Your email address will not be published.