Press "Enter" to skip to content

Tuloy Ang Laban! Kaso Sa Pagkamatay Ng Isang Kadete Laban Sa Mga Suspek, Inaprubahan Na!

Matapos makitaan ng “Probable Cause” ng Baguio City Prosecutors office, ay inaprubahan ng makasuhan ang ilang mga kadete at opisyal ng Phillipine Marine Academy na suspek sa pagpanaw ng isang 20 anyos na si Dormitorio na isang kadete.

Ang mga makakasuhan

Inaprubahan na ng tanggapan ng tagausig ang pagsasampa ng kasong Hazing at Murder laban sa mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA), dating pinuno ng ospital at dalawa pang  doktor sa pagkamatay ni Cdt. 4th Class Darwin Dormitorio noong nakaraang taon.

Tuloy Ang Laban! Kaso Sa Pagkamatay Ng Isang Kadete Laban Sa Mga Suspek, Inaprubahan Na! 2
Photo Credit: GMA News

Ang mga kadeteng si Shalimar Imperial Jr. at Felix Lumbag Jr, ay haharap sa korte para sa kasong Hazing at Murder. Ang isang kadete naman na si Julius Carlo Tadena, ay haharap sa kasong “less serious physical injuries,” at  “slight physical injuries” naman sa kadete na si Christian Zacarias.

Sa kabilang banda, ibinasura ang reklamo sa mga kadete na sina Axl Rey Sanopao, Rey David John Volante, John Vincent Manalo, at mga opisyal na sina Maj. Rex Bolo at Capt. Jeffrey Batistiana  dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Cadet 4th Class Darwin Dormitorio

Maaalalang, si Cadet Dormitorio ay namatay noong Setyembre 18, nakaraang taon matapos makaranas ng paulit ulit na pag mamal-trato sa kanya ng mga kapwa niya kadete na humantong sa kaniyang pagkaka-ospital, ayon sa pulisya.

Tuloy Ang Laban! Kaso Sa Pagkamatay Ng Isang Kadete Laban Sa Mga Suspek, Inaprubahan Na! 3
Photo Credit: GMA News

“Undoubtedly been the cause of the repeated beatings of Dormitorio over the known period between August 20, 2019 and September 17, 2019,” Ayon sa mga tagausig, sa resolusyong pahina 66.

Kapabayaan

Sinabi ng mga tagausig na ang mga doktor ng PMASH at pinuno  ay dapat na dinala si Dormitorio sa higher level hospital ngunit hindi ito ginawa sa halip ay pinananatili ni Apostol ang kanyang diagnosis na ang kadete ay may impeksyon lamang sa ihi, taliwas sa sinasabi ng mga opisyales ng mediko legal.

Tuloy Ang Laban! Kaso Sa Pagkamatay Ng Isang Kadete Laban Sa Mga Suspek, Inaprubahan Na! 4
Photo Credit: GMA News

Ang pagkamatay ni Dormitorio ay resulta umano ng pagsakadiya ng dalawang kadete at labis na kapabayaan ng mga doktor, dagdag pa nila.

Narito ng buong kwento:

Inaprubahan ng Baguio City prosecutor's office ang pagsampa ng kasong hazing at murder laban sa tatlong kadete, dating…

Posted by GMA News on Wednesday, June 24, 2020

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: