Press "Enter" to skip to content

“Tulungan Natin Sila”: Ito Ang Pahayag Ni Pangilinan Sa DepEd At LGUs Para Sa Mga Mag-aaral Sa Pasukan

Hinikayat ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan noong Huwebes ang Department of Education (DepEd) na magbigay ng karagdagang tulong pinansiyal at sa iba pang pangangailangan ng mga mag-aaral at guro bilang pagtugon sa isasagawang klase ngayong taon.

Ang panawagan ni Kiko

Sinabi ni Pangilinan, pangulo ng Liberal Party (LP), na ang mga local government unit (LGU), sa pamamagitan ng kanilang Special Education Fund (SEF), ay dapat mag-alok ng suporta tulad ng mga scholarship para sa kanilang mga nasasakupan na nais mag-aral sa ilalim ng new normal set-up.

Sen. Kiko Pangilinan lambasts netizen telling him and daughter ...
Photo Credit: MSN

Hinikayat din niya ang publiko na nais magbigay ng mga smartphone, tablet, laptop, at desktop computer upang makatulong sa kampanya ni Vice President Leni Robredo na layong mapadali ang pinaplanong distance leraning.

Aniya,

“Ang edukasyon ay para sa lahat. Pero dahil sa maraming nawalan ng trabaho, milyon na ang nag-d-drop out sa pag-aaral. Para makapag-aral pa ang mas marami ngayong pandemya, tulungan nating itawid ang mga mag-aaral at titser nating walang mga device na maaaring magamit para sa blended learning sa darating na pasukan,”

Tiyakin ang Distance Learning

Noong una, inirerekumenda ni Pangilinan na siguraduhin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang maayos na koneksyon sa Internet para sa distance learning kung sa gayo’y hindi mahirapan ang mga mag-aaral, pati na rin ang mga guro.

"Tulungan Natin Sila": Ito Ang Pahayag Ni Pangilinan Sa DepEd At LGUs Para Sa Mga Mag-aaral Sa Pasukan 2
Photo Credit: Virtual Pinoy

Hanggang sa ika-15 ng Hulyo na ang deadline ng pag-papatala ng mga mag-aaral para sa darating na pasukan. Ayon sa DepEd, sa mga pampublikong paaralan umabot na sa 19.14 milyon (o 84.8 kabuuang porsyento ng nakaraang taon) ang mga nakapag-patala na habang sa mga pampribadong paaralan naman ay umabot na sa 1.5 milyon (o 24.3 kabuuang porsyento ng nakaraang taon).

Kung pagsasamahin, 20.22 milyon o 72.7 porsiyento pa lamang ng bilang ng mga nakapagpatala noong 2019-2020.

Edukasyon, dapat na unahin

Sinabi pa ni Pangilinan ang kabuuang tala ay nangangahulugan na maraming mga pribadong guro ng paaralan ang posibleng mawalan ng trabaho.

"Tulungan Natin Sila": Ito Ang Pahayag Ni Pangilinan Sa DepEd At LGUs Para Sa Mga Mag-aaral Sa Pasukan 3
Photo Credit: Manila Bulletin

Aniya, ang DepEd ay dapat na maingat sa muling pagsasaalang-alang ng iminungkahing budget para sa 2021 upang matugunan ang mga pangangailangan para sa online at blended learning ng mga kabataang mag-aaral sa kanilang mga tahanan kahit pa sa gitna ng pandemya.

Kapag ang budget ng pamahalaan ay umabot na sa Upper Chamber, sinabi niya na maingat na susuriin ng Senado ang mga pinaglaanan ng mga ahensya upang masiguro na ang pera ay mapupunta sa mahalagang sektor tulad ng edukasyon.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: