Press "Enter" to skip to content

‘Tulungan Nyo Po Ako’ Panawagan Ng Isang OFW Sa Embahada Ng Pilipinas

Isang OFW ang humihingi ng saklolo sa embahada ng Pilipinas upang siya ay i-rescue sa kaniyang amo dahil sa pag aalipusta at pambabastos sa kaniya ng among lalake.

Biktima ng pagmamaltrato

Ayon kay Thelma Samo Fajardo, siya ay nagtatrabaho bilang isang kasambahay sa Saudi Arabia. Sa una ay maayos naman ang palikitungo sa kaniya ng amo ngunit kalaunan ay nag iba ito hanggang sa di na niya makayanan ang pag mamaltrato at pag-aalipusta na natatanggap niya sa araw-araw di pa kasama ang pambabastos ng amo niyang lalake.

'Tulungan Nyo Po Ako' Panawagan Ng Isang OFW Sa Embahada Ng Pilipinas 2
Photo Credit : Facebook

Kaya naman siya ay humingi na ng saklolo sa ating embahada dahil sa takot. Ito ay matapos siya makaranas ng pambabastos mula sa amo niyang lalake habang ginagampanan niya ang kanyang trabho. Sa kanya videong ginawa, ramdam ang pangamba na maaninag sa kanyang mukha para sa kanyang buhay.

Ani pa nito,

“Tulungan ninyo po ako gusto ko na pong magparescue. Binabastos po ako ng amo kong lalake. Pinakitaan po ako ng maselang bahagi ng katawan, nung May 27 ng alas otso ng gabi po, naglinis po ko noon pati po anak niya po. Noong may din 24 alas 3 ng hapon sabi po niya sipsipin ko po yung kanya bibigyan po raw niya ko ng pera basta gagawin ko lang po yung gusto niya… Ayoko na po dito”

Sakripisyo at pagod sa trabaho

Di maitago ang sama ng loob ang ni Thelma habang sinasalaysay ang sakripisyo na ibinubuhos niya sa araw-araw na pagtatrabaho. Kaniya din isiniwalat na kahit ganoon pa man ang kanyang nararanasan ay patuloy pa rin niyang ginagampanan ang kanyang trabaho.

'Tulungan Nyo Po Ako' Panawagan Ng Isang OFW Sa Embahada Ng Pilipinas 3
Photo Credit : Facebook

Wika ni Thelma,

“Gusto ko na pong umuwi sa Pilipinas kasi po lagi po silang galit sa akin. Kahit anong trabaho ko… Mali pa rin. Ginagawa ko naman po ang lahat, e sinunod ko naman lahat ang utos nila… Kahit po mahinhin po kong kumilos, wala po akong pahinga. Tuloy-tuloy pa rin ang trabaho ko.”

Pananakot at banta

Sa kabila ng paggawa niya sa kanyang tungkulin, nagawa pa ng amo niyang manakot at magbanta. Di pa nakuntento, pinag salitaan pa umano si Thelma at isinusumpa nito ang kaniyang anak na sana ay magkasakit sila sa Pilipinas sa tuwing ito ay nagagalit.

'Tulungan Nyo Po Ako' Panawagan Ng Isang OFW Sa Embahada Ng Pilipinas 4
Photo Credit : Facebook

Sambit nito,

“Tapos sabi naman po ng amo kong babae pag magalit siya sa akin; Problem daw ang 2 kong anak; Magkaroon daw ng sakit; Bibigyan daw sila ng sakit ni Allah; Lagi po daw naoospital; Mauubos daw po yung pera ko.”

Pag mamaltrato

Ikinwento din nito na hindi normal na pagkain ng isang tao matatawag ang pagkain. Kaniya pang inilarawan na pinagtitiisan na lamang nitong kainin upang makaraos sa maghapon. Mulansa mga tira-tirang pagkain ng kaniyang mga amo na dapat sana ay tinatapon na.

'Tulungan Nyo Po Ako' Panawagan Ng Isang OFW Sa Embahada Ng Pilipinas 5
Photo Credit : Facebook

Ani pa niya,

“About naman po sa pagkain sabi niya good food. Paano naman nagiging good food iyon? pero sa akin. Kung kumakain po silang lahat; Tapos silang kumain po; Kung may natira sa pinggan po.”

Dagdag pa niya,

“Bawat pinggan; Yun po pinapakain sa akin; Kaya pinilit ko pong kumain para din po may laman po tyan ko po; Minsan nandidiri po ako minsan tinatapon ko po sa basurahan; Pero po paggutom na gutom na ko, kinakain ko na lang po NO CHOICE; Hindi po ko nagreklamo, baka kasi po pagnagreklamo po ako wala na pong ibigay sa akin.”

Rescue

Dahil sa patong-patong na hirap na dinanas ni Thelma ay humingi na siya ng saklolo sa embahada. Sa sobrang takot at pangamba nito sa susunod pang mangyari ay gumawa siya ng video upang maiparating ang kanyang hinanaing at umaasang matulungan siya ng pamahalaan.

'Tulungan Nyo Po Ako' Panawagan Ng Isang OFW Sa Embahada Ng Pilipinas 6
Photo Credit: Facebook

Wika niya,

“Paano na po ako? Sobrang payat ko na po. Dati po, nung pumunta po ko dito 60 plus po ako. Ngayon po 44 na lang po ko. Tulungan ninyo po ako. Sana po marescue na po ko agad. Maraming salamat po.”

Sa ngayon ang tanging hiling ni Thelma na maiparating sa kinauukulan ang kanyang panawagan ng sa ganoon siya ay matulungan.

Di lingid sa karamihan na marami na kaso tulad ni Thelma ang malimit na nangyayari sa bansa Saudi. Kahit ganoon pa man patuloy pa rin ang pagpunta ang ilan nating kababayan. Di rin minsan masisi sila sapagkat ito ang tangi nilang nakita pasukan at naiisip na makakatulong kanya at kanyang pamilya.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: