Press "Enter" to skip to content

Tunay Na Dahilan Ng Pagwawala Ni Pinky Amador Sa Isang Hotel, Lumabas Na!

Viral ngayon sa social media ang video ng pagwawala ng aktres na si Pinky Amador sa isang hotel. Ito ay dahil umano sa palpak na pagpapatupad ng safety and health protocols ng pamunuan ng hotel.

Galit ni Amador

Makikita sa video ang paninigaw ni Amador sa receptionist dahil sa hindi nito pagbibigay ng hinihingi niyang circular na ipinangako sa email ng admin ng hotel. Ayon kasi sa nakalap na balita, tumanggap ng 59 katao na Person Under Monitoring o PUM ang hindi pa napapangalanang hotel ng hindi agad ipinaalam sa mga naka check in doon.

Tunay Na Dahilan Ng Pagwawala Ni Pinky Amador Sa Isang Hotel, Lumabas Na! 2

Ayon umano sa kasunduan, ipapaskil ng pamunuan ng hotel ang circular patungkol sa update ng kalusugan ng mga PUM, subalit tatlong linggo na ang nakakaraan ay hindi pa ito ginagawa ng admin ng hotel. Ilang beses na pabalik balik ang aktres sa opisina ng hotel ngunit hindi pa rin nila ito inaasikaso.

Kapabayaan ng hotel

Galit na galit si Amador dahil nalalagay sa alanganin ang buhay niya at ng iba pang mga tao roon dahil sa kapalpakan ng admin ng hotel. Natatakot siya para sa kanyang kaligtasan dahil nakasalamuha pa pala niya ang dalawa sa mga PUM ng hindi niya nalalaman. Sa katunayan, ang isa sa mga iyon ay tinulungan pa niya kung kaya nagkaroon siya ng direct contact sa isa sa mga PUM.

Tunay Na Dahilan Ng Pagwawala Ni Pinky Amador Sa Isang Hotel, Lumabas Na! 3

Nakuha pa ng receptionist na ivideo ang pagwawala ni Amador sabay post sa social media matapos putulin ang bahagi kung saan ipinapaliwanag ni Amador ang dahilan ng kanyang galit.

Opinyon ng mga netizen

Hindi maiwasan na makuha ni Amador ang simpatya ng mga nakapanood ng buong video dahil naiintindihan nila ang pinanggagalingan ng galit nito. Ayon sa mga netizen, nalagay sa kapahamakan ang buhay ni Amador at ng marami pa nilang kliyente dahil sa kapabayaan ng hotel.

Tunay Na Dahilan Ng Pagwawala Ni Pinky Amador Sa Isang Hotel, Lumabas Na! 4

Ang nais ni Amador ay ipaskil sa vicinity ng hotel ang update ng mga PUM na tinanggap nila ng sa gayon ay mapanatag ang ibang mga kliyente na tulad niya. Imbes na gawin ito ay nakuha pa ng kumuha ng video na unahin ang pagpopost sa social media kesa gawin ang kanilang trabaho.

Source: YouTube

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: