Press "Enter" to skip to content

Tunay Na Dahilan Sa Pamamaril Ng Pulis Sa Mag-ina Sa Tarlac, Alamin!

Viral ang isang video ngayon sa social media tungkol sa isang pulis na walang pakundangang binaril ang dalawang biktima sa Purok 2, Brgy. Cabayaoasan sa Paniqui, Tarlac nitong ika- 20 ng Disyembre, Linggo ng hapon. Ang nasabing video ay nag-dulot ng iba’t ibang emosyon sa mga netizen. Dahilan sa sabing insidente, ano nga ba?

Ang pamamaril

Isang pulis mula sa Paranaque City ang makikita sa video na kumitil sa buhay ng mag-ina sa Paniqui, Tarlac bandang alas 5:10 ng hapon nitong Linggo.

Kinilala ang dalawang biktima na sina Sonya Rufino Gregorio, 52 taong gulang, at ang kanyang anak na si Frank Anthony Rufino Gregorio, 25 taong, na parehas naninirahan sa Barangay Cabayaoasan. Ang opisyal ng pulisya naman ay kinilalang si Police Staff Sergeant Jonel Nuezca, 46 taong gulang.

No description available.

Bago mangyari ang nasabing pamamaril, nagkaroon ng pagtatalo sina Nuezca at ang mga biktima hinggil sa ‘right of way’. Kita sa video ang tila mahigpit na yakap ni Sonya sa kanyang anak na si Frank Anthony sa pagtatangkang pigilan na harapin si Nuezca.

Makikita rin sa video ang anak ng pulis na nakikipagtalo at sinisigawan ang dalawang biktima. Nang sagutin ito ni Sonya, dito na nga nangyari ang walang awang pamamaril ng isang pulis.

Pagsisisi ng suspek

Lumipas ang ilang oras ay sumuko na rin ang suspek sa mga kapwa nito pulis sa Rosales, Pangasinan at dinala siya sa Paniqui, Tarlac. Nakatalaga si Nuezca sa ParaƱaque City crime laboratory ngunit umuwi sa Paniqui, Tarlac.

No description available.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Noriel Rombaoa, hepe ng Paniqui Police Station, isasampa ang doble na kasong pagp4tay laban sa suspek.

Ani ni Nuezca, ayaw niya muna makipag-usap dahil gusto nito na sa korte na lang siya iharap. Dagdag pa nito, nagsisisi naman siya aniya sa kanyang ginawang pamamaril sa mag-ina.

Dahilan ng pagtatalo

Batay sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, ang dahilan daw ng pagtatalo ay sanhi ng pagsabog ng isang kanyon ng PVC o “boga”. Ani Rombaoa,

“According to witness na na-interview natin, ‘yung initial na info na nakuha natin is may nagpaputok ng boga, kung alam niyo ‘yung PVC na during New Year pinapaputok,”

No description available.

Dagdag pa nito,

“Magkapitbahay lang sila. Narinig ng pulis. Nagpunta siya sa bahay ng biktima at nagkaroon sila ng pagtatalo. Then naungkat ‘yung matagal nilang alitan tungkol sa right of way. Doon nagsimula ang pagtatalo nila na umabot na sa pamamaril ng ating suspek.”

Habang ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya, katarungan at hustisya ang hiling ngayon ng pamilyang naiwan at maging ang maraming netizen na nakakita ng video. Mahaharap ngayon ang suspek sa parehong kasong administrative at criminal.

Sources: PNP, GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: