Press "Enter" to skip to content

Turismo Ng Mga Probinsya Sa Visayas, Mas Palalakasin!

Sa tulong ng proyekto na “Build,Build,Build,” mas palalakasin ng pamahalaan ang kalakalan at turismo ng mga probinsya sa Visayas. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga kalsada, pag-aayos ng mga pantalan, at pagpapatayo o pagpapaganda ng mga paliparan.

Ang pagkumpleto ng proyekto

Matapos maibalik sa operasyon ang pagpapagawa ng mga imprastraktura sa mga lugar sa Visayas noong ibinaba na ang mga ito sa general community quarantine (GCQ), tinatayang makukumpleto ang mga proyekto sa ilalim ng “Build,Build, Build” sa taon na ito.

Turismo Ng Mga Probinsya Sa Visayas, Mas Palalakasin! 2
Photo Credit: Kayak

Ilan sa mga lugar na nasa proyekto ay ang Iloilo City, Negros Oriental, at sa Cebu, na kung saan may iba’t ibang konstruksyon na ginagawa na makakabuti sa turismo ng mga lugar na nasabi.

Kabilang sa proyekto na “Build,Build,Build,” ang pag-aayos ng mga pantalan, pagkakaroon ng maayos na kalsada na kung saan naiiwasan ang matagal na trapiko at pagpapabuti sa kaligtasan sa kalye, kasama rin ang mga paliparan at pagkakaroon ng mga bagong kalsada.

Laking tulong ng proyekto

Sa rehiyon ng Western Visayas, partikular sa Iloilo City ay may dalawang proyekto nang napatapos, ito ay sa Iloilo Commercial Port Complex sa Lapaz, Loboc. Ang isang proyekto ay ang pagpapagawa ng back-up area na may pagdadaungan ng barko, ito ay sinumulan noong Septyembre taong 2017.

Turismo Ng Mga Probinsya Sa Visayas, Mas Palalakasin! 3
Photo Credit: Wikipedia

Ang isa naman ay ang pagpapaganda at pagsasaayos ng ibang back-up area, na sinimulang gawin noong Hulyo 2018. Ayon sa Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) Assistant Secretary na si Jonji Gonzales, ang dalawang proyekto na nasabi ay magpapalago ng kalakalan at turismo sa Iloilo City.

Maliban sa dalawang proyekto, nagpapagawa rin ng bypass road sa bayan ng Sta. Barbara, New Lucena at Zarraga, ito ay makakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng mga aksidente at magkaroon ng maayos na daloy na trapiko. Ito ay tinatayang matatapos sa Nobyembre.

Iba pang proyekto

Hindi lamang sa Iloilo City ang ginawan ng mga proyekto, kasama rito ang mga ginagawang kalsada sa Negeros Oriental, na magkokonekta sa Siit at Tambobo. Sa Cebu naman ay may proyekto na tinatawag na 1.2-km runway extension project, ito ay para sa paliparan ng Bantayan Island at nakatayang makukumpleto ito sa katapusan ng taon.

Source: Philippine News Agency 

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: