Lumapag ngayong umaga ang eroplanong padala ng United Arab Emirates na naglalaman ng 7 metric tons na medical supplies upang makatulong sa frontliners natin.
Para sa frontliners
Tinatayang mahigit 7,000 na medical personnels sa bansa ang maaabutan ng tulong upang mapuksa ang virus dahil sa padala ng UAE.

Malaking tulong ito upang maibsan ang kakulangan ng ibang medical supplies dito sa bansa.
Deep partnership
Nagkomento naman si Hamad Saeed Hamad Obaid Alzaabi, UAE Ambassador sa kanyang pagdadala ng tulong. Ayon sakanya, committed daw ang UAE magpaabot ng tulong sa Pilipinas dahil sa malalim na partnership nila sa pagitan ng gobyerno at mga tao.

“Through the provision of critical medical aid, the UAE affirms it commitment to offering a helping hand to the Philippines. Our two countries share a deep partnership between our governments and peoples, and it is our sincere hope that such assistance enables the Philippines to take necessary action to defend itself against COVID-19.”
Tulong sa lahat
Sa kabuuan nakapagpamahagi na ng mahigit 334 metric tons sa mahigit 32 na bansa ang UAE.

Sa prosesong ito, nakapagabot na sila ng tulong sa 334,000 na medical professionals sa buong mundo.
“The UAE stands in solidarity with all nations working to contain and confront the COVID-19 pandemic.”
Sariling problema
Sa pinakabagong balita, nakapagtala ang UAE ng mahigit 11,000 na positibong kaso ng virus sa kanilang bansa, 55 sa mga ito ang namatay.
Sa kabila ng kinahaharap na sariling problema ng bansa, nakuha pang magabot ng tulong ng UAE sa iba’t ibang bansa upang makatulong sa paglaban sa virus.
Sa kanilang mga numero, makikita na sobrang mas mataas ang mga bilang ng mga nakakarekober kaysa sa bilang ng mga namatay.
Nawa’y makatulong ang padalang supplies nila sa ating frontliners at mapanatili silang ligtas para makauwi pa sila sa bahay at pamilya nila.
Saludo po kami sainyo, UAE at frontliners!
Source: The Filipino Times
Be First to Comment