Press "Enter" to skip to content

Ubos Na Ang Testing Kits Sa Baguio, Bilang Ng Positibo Tumaas Ng 68%

Nanganganib na maubusan ng testing kits ang Baguio General Hospital ngayong kasalukyang linggo na ito. Kaya naman nananawagan ang director ng hospital na mapansin sila ng gobyerno.

Nagkakaubusan na

Nagmamakaawa kami sa gobyerno para sa karagdagang testing kits. Ito ang sabi ni BGH Director Dr. Ricardo Runez Jr.

Ubos Na Ang Testing Kits Sa Baguio, Bilang Ng Positibo Tumaas Ng 68% 2

“We are begging the government for more testing kits.”

Ang BGH ay ang main testing center ng COVID-19 sa buong Northern Luzon. Sa sampung testing centers sa buong Pilipinas, ang BGH ang may pinakamababang positive cases. Nakatalaga ito ng 75 positive cases sa buong Northern Luzon.

Naibalita na din ng Rappler na kasalukuyang pangatlo sa pinakamaraming nagamit na test kits na ang BGH. Nakapagtest na ito ng 5,335 individuals. Pangatlo ito matapos ang Research Institute of Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa at ang Vicente Sotty Memorial Medical Center sa Cebu.

Risk-based mass testing

Ang BGH ay nagsimula ng risk-based mass testing noong April 25 ayon kay DOH Cordillera Regional Director Dr. Amelita Pangilinan. Ayon sa director, ang risk-based mass testing daw ay hindi lamang itetest ang mga may sintomas, kundi lahat din ng mga frontliners.

Resulta nito ay ang pagdiskubre na 15 sa mga medical staff ng BGH ay positibo sa naturang virus.

Mula sa 5 kaso lang nung Biyernes, umakyat sa 16 ang bilang ng mga nakahospital na positibo sa Baguio. Sa Benguet naman, mula sa wala, naging anim ang kaso nito.

Hindi dapat mangamba

Bagaman 68% ang itinaas ng mga bilang ng positibo kumpara sa nakaraang linggo. Nilinaw ni Pangilinan na hindi daw ito dapat ipagkabahala dahil nag mass testing daw kaya natural na tataas ang bilang.

“We are now seeing the true picture of the COVID situation in Baguio.”

Lockdown uli

Dahil sa mababang kaso nitong nakaraang linggo, kinokonsidera na na tanggalin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) na utos sa Baguio at Benguet, ngunit dahil sa biglaang pagtaas, naextend din ito sa May 15.

Source: Rappler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: