Press "Enter" to skip to content

Umamin Si Kapitan: 2 Batang Umuwi Sa Palawan, Pinadlock Sa Quarantine Facilities

Puerto Princesa City Palawan – Dalawang menor de edad ang pinadlock sa quarantine facilities dahil umano sa pagsunod sa protocol na dapat sumailalim sa 14 days quarantine ang sino mang uuwi sa probinsya mula sa ibang lugar.

Pag-amin ng kapitan

Inamin naman ito ng kanilang village chief sa Barangay Tinitian sa bayan ng Roxas na si Andrew Golifardo. Aniya, ang kanilang ginawang pag padlock sa dalawang bata na edad 12 at 14 ay para na rin sa kaligtasan ng mga ito.

Umamin Si Kapitan: 2 Batang Umuwi Sa Palawan, Pinadlock Sa Quarantine Facilities 2
an old wooden door with a padlock and rusted chain – not commercial property released

Ani Golifardo, “It’s true we padlock them as a security measure. We don’t want anything bad to happen to them at night so we have to ensure their safety.”

Naalarma ang DOH

Nakarating sa head ng Health Education and Promotion Unit ng Department of Health (DOH) na si Romalyn Racho ang pangyayari kung kaya hiningan niya ng paliwanag ang mga lokal na awtoridad ukol dito.

Aniya, “We have talked to the authorities in Roxas. They issued a summon to the barangay captain. We will await further developments from the local government.”

Kaligtasan ng mga bata

Depensa naman ni Golifardo, sa gabi lamang pinapadlock ang nasabing quarantine facilities. Ipinagbigay alam din umano nila ito sa mga magulang ng mga bata. Dahil sa limitadong power supply sa kanilang lugar at sa paulit-ulit ng brownout, kinakailangan nilang ipatupad ang literal na lockdown.

“We advised the parents of the minors upon their arrival. We don’t have electric power all night. Once we turn off the portable generator, the area will be abandoned.” ani Golifardo

Pangamba niya, “What if someone comes in and kills them? We don’t want that to happen.”

Hamon ng kapitan

Hinamon din ni Golifardo ang mga ibang lokal na awtoridad na suriin ang kanilang quarantine facilities at kanilang mga protocol upang mapatunayan na hindi namamaltrato ang kanilang mga kabarangay na umuuwi mula sa ibang lugar.

“I challenge the DILG, police, or DSWD to come here and inspect if there is maltreatment. I already told the father of the minor not to take it negatively because we don’t want anything bad to happen to the minors.”

Ang dalawang bata ay umuwi sa Palawan noong Hunyo 14, kasama ang ilan nilang mga kamag-anak. Mula sa Cebu kung saan sila nanggaling ay diretso na sila sa quarantine facility.

Source: Inquirer.Net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: