Press "Enter" to skip to content

Umulan, Bumagyo, Ayos Lang! Magawa Lang Ang Kanyang Tungkulin Sa Bayan

Nakuhanan ng larawan ng isang reporter si Mamang Pulis sa kahabaan ng South Luzon Expressway. Kahit na kasagsagan ng ulan at hangin dahil sa bagyong Ambo ay todo serbisyo pa rin ito.

Police Officer

Makikita sa larawan na kuha ng isang mamamahayag na si Mark Demayo, ang isang Police Officer na ginagampanan ang kanyang tungkulin. Sa kahabaan ng South Luzon Expressway makikita si Mamang Pulis na nasa checkpoint at nangangasiwa sa pagcheck ng mga sasakyan na papasok sa nasabing lugar.

Umulan, Bumagyo, Ayos Lang! Magawa Lang Ang Kanyang Tungkulin Sa Bayan 2
Photo Credit: ABS-CBN News

Malakas na ulan at hangin ang dulot ng bagyong Ambo na sumalanta sa Pilipinas noong Biyernes. Ngunit hindi man lang alintana ng pulis na ito ang sobrang malakas na ulan na dulot ng bagyo. Patuloy pa rin ito sa kanyang trabaho.

Serbisyong totoo

Kahanga-hanga ang mga ganitong tao na ating nakikita. Mga taong may serbisyong totoo at malasakit para sa bayan. Hindi iniisip ang kanilang kaligtasan magampanan lamang nila ang kanilang mga tungkulin.

Umulan, Bumagyo, Ayos Lang! Magawa Lang Ang Kanyang Tungkulin Sa Bayan 3
Photo Credit: PTV News

Marahil ang iba sa atin, mas pipiliin na iligtas na lang ang sarili at hindi na iisipin pa ‘yung tungkulin na kanyang sinumpaan. Ang mga kagaya ni Mamang Pulis ang dapat na tularan ng karamihan.

May ganito pa kaya?

May ganito pa kayang mga tao na katulad ni Mamang Pulis? Handang magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat? Oo siguro nga sasabihin natin na may sahod sila, at binabayaran ang serbisyo nila. Pero isipin din natin na walang katumbas na salapi ang kanilang buhay.

Isang magandang halimbawa si Mamang Pulis sa karamihan sa atin. Dapat lang na tularan. Ito ‘yung totoong depinisyon ng isang may malasakit sa kapwa, isang Frontliners na handang harapin lahat para sa ngalan ng serbisyo.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: