Press "Enter" to skip to content

Unang Batch Sa 1-Million PPE Na Binili Ng DOH, Naipamahagi Na Sa Mga Health Workers!

Last updated on April 3, 2020

Nai-deliver na ng Department of Health (DOH) ang 15,000 na unang batch ng PPE o Personal Protective Equipment para sa mga health workers na nangangalaga sa mga pasyenteng may COVID-19. Ito ay kabilang sa 1-Million PPE na kanilang binili.

Matinding inspeksyon

Sa isang panayam kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ipinamahagi nila ang unang batch ng mga PPE Martes ng gabi, Marso 31 at ang natitirang 985,000 set ay darating sa Abril 6 at 24. Ang 1-Million na PPE umano na binili ng gobyerno ay dadaan sa matinding inspeksyon at pagsusuri ng bago ipapamahagi.

Unang Batch Sa 1-Million PPE Na Binili Ng DOH, Naipamahagi Na Sa Mga Health Workers! 2
Credits to Philstar Global

Pag natapos inspeksyunin at suriin, ito ay ipamimigay mula sa Office of Civil Defense (OCD) sa mga COVID-19 referral hospitals katulad ng East Avenue Madical Center, San Lazaro Hospital, Lung Center of the Philippines, Philippine General Hospital, Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital, at Armed Forces of the Philippines Medical Center.

Local COVID-19 Testing kit

Inanunsyo din ng Malacañang na mayroon P53.2M na halaga ng mga COVID-19 testing kits na dinivelop ng University of the Philippines-Manila’s National Institutes of Heath and Manila HealthTek Inc. at nakahanda ng gamitin sa Abril 4.

Unang Batch Sa 1-Million PPE Na Binili Ng DOH, Naipamahagi Na Sa Mga Health Workers! 3
Credits to Philstar Global

Ang mga ito ay gagamitin upang mabilis na mai-test at mai-isolate ang sinumang makukumpirmang positibo sa COVID-19.

Nagkaka-halagang 1.8 Billion

Sinabi rin ni Vergeire na sa tulong ng Department of Budget and Management, nabili ang mga ito sa halagang P1.8 Billion. Ang bawat set umano ay may kasamang coveralls, N95 masks, gloves, head at shoe covers, goggles, surgical mask at surgical gown.

“The complete PPE set will ensure protection for our health workers as they take care of the COVID patients,”

Sa pahayag naman na ito ni Vergeire, sinisigurado umano nila ang proteksyon ng mga health workers habang inaalagaan ng mga ito ang mga pasyenteng may COVID-19

Source: Philstar Global

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: