Press "Enter" to skip to content

Unang Biktima Ng NCov Sa North Korea Binaril Para Di Na Makahawa

Last updated on March 18, 2020

Kauna unahang pasyente ng Novel Coronavirus sa North Korean binaril upang di na makahawa sa iba. Ito ay utos umano ng kanilang diktador na leader na si Kim Jong Un sa takot na baka kumalat ang sakit sa kanilang bansa.

Dead shot

Isa umanong North Korean official na bumalik mula sa China ang nagpositibo sa test ng NCov. Ang biktima ay tumakas sa quaratine, at upang maagapan ang pagkalat ay inutos umano ni Kim Jong Un na patayin na ang biktima sa pamamagitan ng pagbaril. Ang balita ay inilathala ng pinakamalaking kompanya ng pahayagan sa South Korea na Chosun Ilbo noong isang linggo. Ayon sa kanila, ang impormasyon ay mula sa kanilang mapagkakatiwalaang source.

Unang Biktima Ng NCov Sa North Korea Binaril Para Di Na Makahawa 2

Sa opisyal na pahayag ng North Korea, iginiit ng kanilang leader na wala ni isa man kahit isang kaso ng NCov sa kanilang bansa. Isang report mula sa Pyongyang ang ipinarating sa World Health Organization (WHO) na ang 141 na pasyente nila na hinihinalaang may NCov ay nag negatibo sa test na isinagawa. Ang report ay inilabas upang pabulaan ang bali-balitang may outbreak na ng delikadong sakit sa kanilang bansa. Salungat ito sa report ng anonymous source ng SoKor Media na may kaso na roon ng NCov at iba sa mga ito ay nasa malubha ng estado.

Diktador

Kilala ang North Korea bilang bansang pinamumunuan ng isang malupit at diktador na leader. Walang basta basta makakalabas at makakapasok sa kanilang bansa ng di dumadaan sa mahigpit na inspeksyon kung kaya naman hindi madaling malaman ang kalagayan ng kanilang bansa. Kilala rin ang leader na hindi nangingiming ipapatay ang sinumang lalabag sa kanyang batas. Dahil dito, hindi maalis ang posibilidad na totoo ang lumalabas na balita. 

Unang Biktima Ng NCov Sa North Korea Binaril Para Di Na Makahawa 3

Isang opisyal ng WHO ang nagsasabing umangkat ang North Korea ng mga kagamitan katulad ng disposable gowns, gloves, at hazmat suit sa bilang proteksyon laban sa naturang sakit. Pinaniniwalaang natatakot rin umano ang kanilang Supreme Leader na si Kim Jong Un kung kaya hindi ito nagpapakita sa media. Sa ulat, nasa huling linggo noong January pa huling nakita ang diktador na leader.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: