Press "Enter" to skip to content

Unang Grupo Ng Balik-Probinsya Program, Naka Alis Na Patungong Leyte

Manila Philippines – Umalis na ng Metro Manila noong Mayo 20 patungong Leyte ang mga lumahok sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program (BP2).

Balik-Probinsya Program

Ayon sa datos, tinatayang nasa 116 katao ang napabilang sa programa sa pamamagitan ng online application, ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Aimee Neri.

Unang Grupo Ng Balik-Probinsya Program, Naka Alis Na Patungong Leyte 2
Photo credits: PNA

Ani nito,

“Based sa master list na binigay nila sa DSWD, may around 116 individuals ang ise send-off, but I was told that some of the individuals brought with them members of the family nila or relatives, so ina-assess ngayon.”

Tiniyak niya na lahat ng kwalipikadong aplikante ay tatanggapin sa programa kahit na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nais magsiuwian. Ipinaliwanag nito na agad nagpapatupad ng social preparation at assesment pagkatapos magsumite ng application.

Unang Grupo Ng Balik-Probinsya Program, Naka Alis Na Patungong Leyte 3
Photo credits: PNA

Dagdag pa dito, bibigyan din ng transportation allowance sa halagang P5000 at food packs sa Leyte ang unang batch ng mga BPP beneficiaries.

Pantay na oportunidad sa lahat

Susuriin din ng DSWD ang bawat pamilya sa loob ng 15 araw para sa posibleng livelihood assistance na aabot sa P15,000 bilang capital seed grant. Kung nais naman makapagtrabaho, naghanda rin ng employment facilitation program ang ahensya.

Dagdag pa ni Neri,

“Ang aming goal dito is ma-sustain yung survival nila sa province to prevent them from going back to Metro Manila to seek for employment or livelihood (upang hindi na sila bumalik pa sa Metro Manila para maghanap ng trabaho).”

Unang Grupo Ng Balik-Probinsya Program, Naka Alis Na Patungong Leyte 4
Photo credits: Manila Times

Bukod sa ayuda, susuriin din ang mga pamilyang may kasamang bata kung puwede silang mapablilang sa 4P’s program.

Ang “Balik Probinsya, Bagong Pag-asa” (BPP) program na pinangunguhan ni Senador Bong Go, ay umarangkada na matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 114. Nakasaad sa EO ang layunin ng programa ng mapaunlad ng ekonomiya sa mga rehiyon, mapalawig ang pamimigay ng serbisyo publiko, magbigay ng pantay-pantay na oportunidad sa lahat ng panig ng bansa.

Livelihood assistance

Samantala, hinikayat ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary for Trade Promotions Group Abdulgani Macatoman ang mga negosyante na mag-invest sa lalawigan at sila ay bibigyan ng fiscal incentives.

Unang Grupo Ng Balik-Probinsya Program, Naka Alis Na Patungong Leyte 5
Photo credits: Philippine Star

Aniya niya,

“Ini-enganyo natin yung mga malalaking kumpanya na nagtatayo ng planta, nagtatayo ng negosyo kahit man lang mag relocate. Ang DTI ay magbibigay po ng mga fiscal incentives like yung three to four years, kahit na up to six years na tax holiday dun sa mga mamumuhunan sa probinsya. Di natin yan ibinibigay kung ang mga investors na yan ay dito magtatayuan sa Metro Manila”.

Unang Grupo Ng Balik-Probinsya Program, Naka Alis Na Patungong Leyte 6
Photo credits: One News

Makakakuha rin ng benepisyo mula sa DTI livelihood seeding program at mentoring program at mga nais sumali sa BP2. Sakaling hindi sapat ang pondo para sa livelihood starter kit, magpapautang din ang DTI sa pamamagitan ng Small Business Corporation. Ang mga may kooperatiba naman ay maaaring mag-apply sa shared service facility ng DTI kung saan maaari silang mabigyan ng machineries at equipment.

Ilan sa mga “key areas” ng Balik-Probinsya Program ay ang pagpapalakas ng lokal na industriya; food security at produksyon sa agrikultura; kapakanang panlipunan, pangkalusugan, at pangkabuhayan; at pagpapagawa ng imprastraktura.

Source: PNA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: