Press "Enter" to skip to content

Update: Kasambahay Ng Sadistang Amo, Nagtamo Ng Mga Bali Sa Katawan

Tila nalalapit na ang pagsasampa ng kaso sa viral na sadistang amo na si Trifona Salma dahil sa mga naglabasang mga ebidensya laban rito.

Madaming bali

Isinailalim sa isang thorough check-up ang mag-inang Rhea Tubia at Nanay Angelina Tubia sa hiling ng kanilang abogado na si Atty. Fred Villamor. Nagsagawa ng mga lab test tulad ng X-ray at CT scan sa mag-ina upang maging malakas na ebidensya laban sa among si Trifona.

Update: Kasambahay Ng Sadistang Amo, Nagtamo Ng Mga Bali Sa Katawan 1

Isinaad ng mag-ina sa abogado kung paano ang ginawang di-makataong trato sa mga ito ng amo at mga anak nito.

Isinaad nina Rhea at Nanay Angelina ang pag-uuntog sa kanila sa pader, pagtutok ng kutsilyo, pagtalon sa mga ribs ni Rhea, at ang diumano pagka-dislocate ng mga braso nito.

Ipinag-utos ni Atty. Villamor ang medico legal results bilang suportang ebidensya laban sa mga ito.

Lab results

Sa CT scan results ng mag-ina ay napag-alaman na may parehong pamamaga ang kanilang ulo na syang posibleng resulta ng malakas na sampal at pag-untog sa kanila sa pader. Si Rhea naman ay may maliit na fr4ctuRe sa isang bahagi ng kaniyang ulo.

Update: Kasambahay Ng Sadistang Amo, Nagtamo Ng Mga Bali Sa Katawan 2

Sa X-ray results naman ay natagpuan ang dislocation ng dalawang braso ni Rhea na kung saan ay kakailanganin isangguni sa espesyalista. Samantala, wala naman masyadong nakitang kakaiba ang doktor sa resulta ng X-ray ni Nanay Angelina.

Update: Kasambahay Ng Sadistang Amo, Nagtamo Ng Mga Bali Sa Katawan 3

Isinangguni din ng team ni Idol Raffy ang pagpapacheck-up sa mata ng mag-ina. Nakitaan ng history ng glaucoma si Nanay Angelina at cataract naman kay Rhea na posibleng kailanganin ng operasyon. Ganunpaman, walang nakita na mga pagdUrUg0 sa loob ng kanilang mata.

Update: Kasambahay Ng Sadistang Amo, Nagtamo Ng Mga Bali Sa Katawan 4

Nagbigay naman ng reseta ang doktor para sa mag-ina upang tuluyang maibsan ang mga tinamong bali o pamamaga sa ilang parte ng kanilang katawan.

Tuloy ang kaso

At dahil sa mga test results ng mag-ina, desididong desidido ang dalawa na ituloy ang kaso laban kay Trifona at mapagbayaran ang mga kasalanan nito.

Naiyak naman si Rhea nang mapagalaman na marami itong tinamo sa mga pananakit ng kanyang sadistang amo.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: