Press "Enter" to skip to content

Update Kay Major Matinik, Sermon Ang Inabot Dahil Kasama Pala Sa Nambugbog

Kahapon, nagreklamo si Felix Cuestas laban sa pulis na nambugbog sakanya sa isang KTV Bar. Ayon sakanya, itong si P/Lt Sylbanus Abella daw ay sinapak siya ng maraming beses at wala man lang umawat sa kanyang limang kasama.

Kasama pala si Major

Sa naunang video, nakausap ni Idol ang Major na halatang nagpapalusot pa. Walang ginawang aksyon kaya naman nasermunan ni Idol.

Update Kay Major Matinik, Sermon Ang Inabot Dahil Kasama Pala Sa Nambugbog 1

Dito sa pangalawang parte, kasama pala sa engkwentro si Major, hindi nabanggit ni Felix dahil siya ay natakot.

Pagbabanta

Nang binanggit ni Idol kay Felix at natanong kung bakit hindi niya sinumbong na kasama pala si Major sa mga nambugbog sakanya. Inamin ni Felix na natatakot siya dahil binantaan sila.

Ayon sakanya, noong dinala siya sa presinto, tinawagan niya ang asawa niya, at ito naman ay tumawag sa isang pamangkin niya na nagngangalang John-John na nagtatrabaho sa naturang presinto.

Dagdag ni Felix, pinagbantaan daw sila ni Major na papatayin sila at uunahin si John-John kung sakaling magsumbong siya. Kaya naman hindi nito nabanggit na kasama si Major nung nabugbog siya.

Boy Bunot

Ikinwento pa ni Felix na meron daw pinapirmahan si Major sakanya na kasulatan na hindi siya magsasampa ng kaso dahil ipapapatay niya sila una na si John-John.

Nabanggit pa nito na marami na daw napapatay si Major at tinagurian pa itong Boy Bunot.

Sermon nanaman

Sermon nanaman ang inabot ni Major mula ka Idol. Pinagsabihan ito nito na parang walang respeto si Abella sakanya bilang nakatataas na opisyal dahil nakuha nitong nambugbog kahit nakaharap siya.

Update Kay Major Matinik, Sermon Ang Inabot Dahil Kasama Pala Sa Nambugbog 2

Dagdag palusot pa ni Major, umawat naman daw siya at sumigaw pa siya na tama na, hinila pa daw niya ang kamay ni Abella. Ngunit ito ay hindi naaalala ni Felix.

Sabi pa ni Idol, kung talagang umawat siya, sana hindi na nagtagal nang ganun katagal ang pambubugbog kay Felix.

Panoorin ang kakawang matinik na major dito:

Source: YouTube

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: