Press "Enter" to skip to content

Update Kay Palusot.com Na Misis: Hindi Pa Tapos Ang Mga Kasinungalingan Ayaw Ilaglag Si Lalaki Niya

Kahapon, ibinahagi namin ang kwento nila Efraem Ellana at Sheila Ellana kung saan nagpalusot si Sheila na wala daw nangyari sakanila ng lalaki niya kahit na kita naman at inamin din niya na pumasok sila sa SOGO.

Unang pasya

Sa umpisa, naawa pa si Efraem kay Sheila at sinabi na hindi na niya itutuloy ang kaso dahil kahit papaano naman daw ay siya padin ang nanay ng mga anak nila.

Update Kay Palusot.com Na Misis: Hindi Pa Tapos Ang Mga Kasinungalingan Ayaw Ilaglag Si Lalaki Niya 1

Ayon sakanya, ipablacklist nalang daw upang hindi na makaalis sa bansa. Sumangayon naman si Sheila at sinabi na magaabot nalang ito ng tulong para sa mga anak niya.

Pangalawang pasya

Nung sinabi niya na hindi na kakasuhan si Sheila, sinigurado niya na gusto niya kasuhan yung lalaki. Subalit nang sinabi ni Idol na administrasyon lang ang pedeng ikaso at hindi kriminal, dahil pag kriminal dapat kasama si Sheila, nagbago ang isip ni Efraem.

Update Kay Palusot.com Na Misis: Hindi Pa Tapos Ang Mga Kasinungalingan Ayaw Ilaglag Si Lalaki Niya 2

Huling huli ang kasinungalingan

Sa bandang huli kahit magmakaawa si Sheila ay hindi na talaga pinagbigyan ni Efraem. Huling huli naman na gisado sa sarili niyang mantika si Sheila nang paulit ulit na magsinungaling upang mapagtakpan ang kanyang lalaki.

Update Kay Palusot.com Na Misis: Hindi Pa Tapos Ang Mga Kasinungalingan Ayaw Ilaglag Si Lalaki Niya 3

Nung una ayaw niyang sabihin ang pangalan, ngunit sinabi ni Efraim na Virgilio Devera daw.

Nung tinanong nila ano ang number, hindi daw alam ni Sheila at sa Facebook lang daw sila naguusap. Tapos binlock na daw siya nito. Nung tinanong siya kung bakit, hindi niya daw alam.

Update Kay Palusot.com Na Misis: Hindi Pa Tapos Ang Mga Kasinungalingan Ayaw Ilaglag Si Lalaki Niya 4

Dito naman ay sinasabihan na siya ni Idol na sana wag na magsinungaling dahil tinutulungan nga sana siya kung magsasabi lang siya ng totoo.

Social media call out

Sa huli, napagdesisyunan nalang ni Idol na ipost sa social media ang picture ni lalaki at bigyan ng pagkakataong lumutang hanggang lunes.

Kapag hindi pa lumutang, ay bahala na daw si Efraem kung ano ang gagawin.

Panoorin ang video dito:

Source: YouTube

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: