Press "Enter" to skip to content

US Planong Magdonate Ng ₱126 Milyon Para Sa Distance Learning Program Ng DepEd

Ang distance education program ng Department of Education ay nakatakdang makatanggap ng tulong mula sa pamahalaan ng United States ng ₱126 milyon na tutulong para sa pagpapatupad ng mga hakbang sa pag-aaral ngayong darating na taong pampaaralan.

Ang donasyong handog

Sinabi ni USAID Mission Director Lawrence Hardy sa isang pahayag noong Huwebes, sa kabila ng pandemyang kinahaharap ng bawat bansa, kailangan nilang tiyakin ang patuloy na pagkatuto ng bawat mag-aaral.

US Planong Magdonate Ng ₱126 Milyon Para Sa Distance Learning Program Ng DepEd 2
Photo Credit: US Embassy of the Philippines

Aniya,

“The U.S. government, through the U.S. Agency for International Development, remains committed to ensuring young students have the opportunity to continue to learn despite the challenges that COVID-19 has created,”

Nauna nang hiniling ng DepEd ang mga donasyong gadget para sa pag-aaral ng mga estudyante ngayon. Naihayag na rin ng kagawaran na mahigit sa P8 bilyong budget ang nawala sapagkat ito ay inilaan sa pag-tugon ng COVID-19 crisis sa bansa.

Kahalagahan ng pag-aaral kahit may pandemya

Mahigit sa 27.7 milyong kabataang Pilipino ngayon, partikular na ang mga batang nasa mababang baitang, ang nanganganib sa pagkawala ng pagkatuto dahil sa di inaasahang pagsasara ng mga paaralan sa panahon ng pandemya.

Lalo na ang mga mag-aaral na nasa mababang antas dahil dito nagkakaroon ng kasanayan ang mga bata sa pagbasa, pagbilang, at socio-emotional na kasanayan.

US Planong Magdonate Ng ₱126 Milyon Para Sa Distance Learning Program Ng DepEd 3
Photo Credit: ICT Works

Sinabi ng USAID na makakatulong ito sa mga opisyal ng edukasyon sa Pilipinas sa pagbibigay sa mga guro ng paraan upang makapagturo gamit ang makabagong kagamitan sa pag-aaral na idinisenyo, loob man ng bahay o sa classroom setting.

Dagdag pa ng USAID, makakatulong ito sa DepEd sa pagbuo ng user-friendly assessment tools para sa mga guro upang masukat ang kakayahan ng pagkatuto ng kanilang mga mag-aaral.

Face-to-face class, wala muna

Nangako rin ang USAID na makikipagtulungan sila sa pribadong sektor at lokal na media na magagamit sa patuloy na pag-aaral ng mga estudyante, tulad ng radio at Television.

US Planong Magdonate Ng ₱126 Milyon Para Sa Distance Learning Program Ng DepEd 4
Photo Credit: Manila Bulletin

Hanggang sa ngayon, ipinagpapaliban parin ng DepEd ang face-to-face class hanggang sa magkaroon na ng bakuna para sa COVID-19, ito’y bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna nang sinabi ng Kalihim ng Edukasyon na si Leonor Briones na sa sandaling magbukas ang taong pampaaralan sa Agosto 24, ang paghahatid ng mga aralin ay maaaring gawin sa pamamagitan ng paggamit ng online portal DepEd Commons, telebisyon, radyo at learning modules at packets, maging print o digital format.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: